BMO 43: upo

268K 3.4K 128
                                    

chapter is dedicated to cEaLee_mAr, salamat sa time pagbabasa,

kay jen calixihan sa baguio..yan ha,

unedited/midterm week..

................................................................

Chapter 43: upo

"Anong ginagawa mo dito?!" dumagundong ang maingay na boses ni Ren sa sala ng kanilang bahay,nagmamaktol at nanlalaki ang mata nito habang nakaturo sa prenteng prenteng nakaupo na si Jett...

Kagagaling lang nito sa school, actually doon muna pumunta si Jett kanina, kaya lang naisip nya na hindi naman na ito sasabay sa kanya kahit anong pilit nya, kaya pumunta na lang sya sa bahay, kaysa naman, ipagpilitan nyang sumabay dito, tapos hindi naman sya papasukin...

Gaya noong nakaraan, harangan sya sa pinto...pinangako nya na lalampas na sya sa pintuan, kaya nga ngayon, nandito na sya sa sala, cross legs, at maghihintay sa paghihimuntok ni batang kulit...

Anak nya yun..paalala sa sarili...bawal maubusan ng pasensya...nagpaalam naman sya kay Clem na pupunta sya dito..yes, he got her phone number sa tulong ni Cocoy, pag gusto talaga may paraan, kapag may pera maraming maraming paraan...at kung tiwala at pera ang dahilan ng pagkakahiwalay nilang dalawa, yun din ang gagamitin nya para makuha ang mga ito...

Sayang lang , dapat noon pa sya kasing saya, gala na lang nito...

Right now, amuse na amuse sa reaction ng makulit na lalakeng anak...

"Bumibisita," sagot nya dito, wala na syang gutsong puntahan kung hindi dito, kailangan nya kasing kumalma, at makita ang kanyang pamilya ang syang tanging magpapakalma sa kanya...bago pa rin sa kanya ang isipin na mayroon syang mga anak, pero kapag naiisip nya yun, napapangiti na lang sya ng parang baliw... kahit pa hindi sya kinikilala ng mga ito, the fact na, itinaguyod sila ni Clem , napakalaking pagpapasalamat nya yun,buti at sa kabila ng masasamang ginawa nya dito, hindi nya idinamay ang mga bata....hindi sumagi sa isip na ipalaglag, pero alam naman nyang hindi ito magagawa ni clem, napakabait nito, pumatay nga ng langgam parang ayaw gawin eh, bata pa kaya?

"Ran, bakit di mo sya pinapaalis!" baling naman nito sa babaeng kakambal na kita mong irritable din ang itsura.

Umirap ito at humalukipkip lang sa sulokng couch, habang hawak ang manika nito, na hawak hawak nito kanina pa noong pag buksan si Jett ng pinto nito...

hindi sya ibig papasukin ni Ran, hindi nga sya pinagkaabalahang kausapin eh, nakatingin lang sa kanya, kumukunot ang noo, o di kaya umiirap, hindi talaga nagsasalita sa mga taong ayaw...matagal syang nakatayo kanina sa pinto, matagal din itong nakaharang...mga 10 minutes di man kasi ito nagsasalita kahit binate nya ito sweetly...

salamat na lang at dumating si nanay Espie, na nainform na ni Clem at pinapasok sya...balak nga syang iwan ni Ran sa sala, kaya lang kinausap ng matanda na samahan sya, kaya kahit tutol, kasama nya si Ran sa sala...

Nakakalungkot pero, nasisiyahan syang makita ang maamo nitong mukha, minus na nga lang ang masungit nitong pag uugali, kamukhang kamukha ni Clem sa pagkamaamo ng mukha, tapos ang puti puti pa, tiyak nya na magandang maganda ito paglaki, syempre prinsesa nya ito... habang tititigan nya ito, kanina, ng hindi pa dumadating si kulit, sari saring eksena ang pumapasok sa isip nya, na kung magdalaga na itom hindi nya ito pahahawakan sa kung sino mang lalake, dadaan muna sa mga kamay nya ang mga yun bago mahawakan ang kanyang prinsesa...sa sandaling yun marami na syang naplano.. gusto nyang ilipat ang mga ito sa mas malaking bahay, para Malaya silang makakilos, mapalayo si Ren sa mga sanggano sa paligid at hindi maging asal kalye masyado, paturuan ng values lesson si Ren para bumait ng konti at gumalang ng konti, I enroll sya sa piano school, o kung ano mang pwede nyang pagkaabalahan para maging busy ito at hindi na kapalupot lagi kay Clem...

Blame Me Once Where stories live. Discover now