At ngayon ko lang na-realize na hindi pala ako naka-order ng kape kanina kaya ang mga kinain nilang lahat ang nabayaran ko. Mga tarantado talaga.

Napatingin nalang ako sa menu board na nasa itaas at napatingin sa mga kape na ini-offer nila.

Pero natigilan ako nang makita ang pangalan ng kapeng iyon.

Oo. Ang kapeng iniiwasan kong makita o mabasa man lang dahil alam kong maalala ko na naman sya...

Nang makita ko yun ay agad kong pinagsisihan kung bakit pa ba ako sumama sa coffee shop na ito dahil doon ko na naramdaman uli ang unti-unting paghapdi ng dibdib ko.

Ilang taon na ang lumipas pero sa tuwing nakikita ko ang pangalan ng kapeng iyon ay may bahagi ng dibdib ko ang laging humahapdi. Kaya siguro iniiwasan kong pumasok sa mga coffee shop dahil alam kong maalala ko lang sya.

Pero tumingin parin ako sa babaing nasa cashier at ini-clear muna ang throat ko dahil pakiramdam ko ay may nagbabara doon. Pakiramdam ko ay nag-iinit narin ang sulok ng mga mata ko at sobrang hapdi ng dibdib ko.

Ayoko ng maalala sya.

Pero may part sa akin ang gustong maalala parin sya at makasama syang muli.

"Caramel Macchiato" ang sambit ko. "I want Caramel Macchiato"

At alam kong...ang kapeng ito ang tanging bagay na magpaparamdam sa akin na nasa tabi ko parin sya.

Oo.

Mahal ko parin ang babaing yun.

Mahal na mahal ko parin sya kahit na matagal na panahon ko na syang hindi nakikita.

Mahal na mahal ko parin sya kahit na sya ang dahilan kaya may nakasaksak na patalim sa dibdib ko at mas lalong lumalalim yun sa bawat araw na hindi ko sya nakikita.

Nang maibigay na ng babae ang inorder kong kape ay binitbit ko na yun at naglakad na palabas ng coffee shop.

Nakayuko akong lumabas ng pinto at sya namang pagdating ng isang grupo ng kababaihan.

"Unnie, ano bang o-orderin mo ha?" I heard the other girl asked.

Pero natigilan ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.

"Caramel Macchiato" that voice answered.

Mabilis akong napalingon sa pinagmulan ng boses pero ang nakasarang pintuan nalang ang nakita ko.

T-teka...

B-bakit parang...

Parang kahawig ng boses nya ang boses na yun?

For a moment ay natigilan lang ako sa kinatatayuan ko at pakiramdam ko ay ang bilis ng tibok ng puso ko lalo pa na't ilang taon ko ng hindi naririnig ang boses na iyon.

But then I sigh.

Ito na siguro ang nagagawa ng sobrang pagka-miss ko sa babaing yun.

Naririnig ko nalang sa kung saan-saan ang boses nya.

Napahinga nalang ako ng malalim at naglakad na ng mag-isa sa malamig na street na iyon.

Mga tarantado talaga. Matapos akong pagbayarin ng mga kinain nila ay nagawa pa nila akong iwan ng mag-isa. Humanda talaga sila pag nakauwi ako.



**************



"Unnie! Masarap ata itong Red Velvet cake nila!"

"Hindi kaya! Mas masarap itong cappuchino!"

Yoongi's Music [SUGA]Where stories live. Discover now