Hindi narin ako masyadong binu-bully ng mga schoolmates ko lalo na ng umugong ang balitang girlfriend ako ni Yoongi.

Pasimple ko syang sinilip sa dulo ng mga mata ko and I saw him yawn.

"Aiiishh...ba't ang tagal ng bus?" ang parang naiinip na nyang sabi saka nilingon ako. "Yah, Yuseonie, nilalamig ka ba?"

Napakurap ako.

Titanong nya ako kung nilalamig ako?

Agad naman akong umiling.

"H-hindi naman..." ang sambit ko.

Ngumiti lang sya sa akin gamit ang sobrang tamis na ngiti nyang iyon at namula pa ako nang abutin nya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko.

At katulad ng dati...kapag ngumingiti sya sa akin...ay nakakaramdam na naman ako ng kakaiba sa dibdib ko.

Naramdaman kong inayos nya pa ang headphone na suot ko.

"Aissh...kailan ka kaya titigil sa pagsusuot ng headphone?" ang nakangiting sabi nya. "Pero okay lang, cute ka parin naman kahit lagi ka nalang nakasuot ng headphone"

Pakiramdam ko ay mas namula ako ng dahil sa sinabi nya.

Paano ba nya nasasabi na cute ako na parang wala lang sa kanya? Samantalang parang hindi naman ako makahinga ng dahil sa sobrang kalabog ng dibdib ko.

Tumayo nalang sya ng maayos sa tabi ko at katulad ng dati, kapag magkasama kami ay nagsimula na naman syang kumanta.

"Yuseonie~~ang cute ni Yuseonie~~" ang simula na naman nyang pagkanta gamit ang satoori accent na iyon.

Namumula ko syang sinaway.

"Yah" ang saway ko sa kanya.

"Yuseonie~~Yuseonie~~Yuseonie~~" ang patuloy nya at ngayon ay may papikit-pikit pa syang nalalaman dahil sa sobrang fini-feel nya ang pagkanta.

"Yoongi-ah..." ang saway ko parin sa kanya at this time ay pinalo ko na ang braso nya.

Natatawa naman syang tumigil at nakangiti pa syang lumingon sa akin habang hinihimas ang napalong braso.

"Mianhe" ang natatawang sabi nya. "Hindi ko alam pero ang sarap gawing kanta ng pangalan mo. Yah, nag-i-enjoy lang akong kantahin ang pangalan mo kaya wag mo na akong suntukin"

Namula ako nang dahil sa sinabi nya.

Nag-i-enjoy syang kantahin ang pangalan ko? Ano bang ibig sabihin nya doon?

"Oh, nandito na pala ang bus" ang nakangiti nyang sabi nang makitang paparating na ang bus na sasakyan namin.

Napatingin naman ako doon at nakita kong tumigil na iyon sa harapan naming dalawa.

Lumingon sya sa akin at nakangiting nagsalita.

"So, tara?" ang nakangiting yaya nya.

Tumango naman ako at nauna na akong sumakay sa bus. Pero napansin kong puno ang bus at siksikan pa sa loob kaya ang nangyari ay wala na kaming maupuan.

"Aissh...so tatayo nalang siguro tayo" ang sabi nya.

Napalingon ako sa kanya at nasa tabi ko na pala sya. Nakisiksik nalang kami sa punong-puno na bus na iyon dahilan para maging sobrang lapit namin sa isa't isa.

Ngumiti lang sya sa akin at humawak sa handle na nasa gitna ng bus.

Biglang umandar ang bus at dahil hindi ako handa ay muntik na akong matumba mula sa kinatatayuan ko. Pero nabigla ako nang maramdaman ko ang mainit na kamay na yun na humapit ng bewang ko.

At sa pagharap ko ay ang nag-aalalang mukha ni Yoongi ang nakita ko.

"Yuseonie, okay ka lang?" ang nag-aalalang tanong nya.

Pero hindi ako makasagot.

Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa at ramdam ko ang mainit na dibdib nya na ngayon ay nakadikit sa akin.

"Wag kang mag-alala, hahawakan nalang kita para hindi ka na matumba uli" ang sabi nya parin sa nag-aalalang mukha na iyon.

Pero hindi parin ako makasagot.

Pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga sa sobrang bilis na kalabog ng dibdib ko.

Nakahawak lang naman ang mainit na kamay nya sa bewang ko habang nakadikit ako sa dibdib nya. Oo, hawak-hawak ako ngayon ni Yoongi at sobrang lapit ko sa kanya na naaamoy ko na ang mabango nyang pabango.

At ngayong sobrang lapit ko sa kanya ay pakiramdam ko ay parang naging blangko ang lahat.

Ano ba 'tong...nangyayari sa akin?

Mas matangkad sya sa akin kaya nakatingin lang ako sa mukha nya. At namula pa ako nang bigla syang nagbaba ng tingin dahilan para magtama ang mga mata namin.

Agad naman akong namumulang napaiwas ng tingin samantalang nahuli ko ang pilyong ngiting iyon na gumuhit sa labi nya.

I heard him sigh bago nagsalita.

"Arasseo, arasseo..." ang nakangiting sabi nya habang nakayakap parin sa akin. "...alam kong gwapo ako kaya pwede mo na akong tigilan na titigan"

Hindi ako makasagot.

Lalo na't para akong nilalamon ng sobrang kahihiyan ng dahil sa pagkakahuli nya sa akin.




to be continued...

AN: Sorry kung bitin. Just say something, neh? Kamsa~Ahuehue~~


Yoongi's Music [SUGA]Where stories live. Discover now