Doon ako tumigil sa paglalakad sa hallway na iyon at hinintay nalang sya mula sa kinatatayuan ko. Afterall ay hindi ko sya matitiis. He's the only friend I've got.

Naramdaman ko naman ang pagtayo nya sa harapan ko pero nanatili lang akong nakayuko at hindi makatingin sa kanya.

Nahihiya ako dahil sa inasta ko sa kanya at the same time ay nasasaktan ng dahil sa mga sinabi nya.

Nanatili lang akong nakatingin sa sahig nang bigla syang nagsalita.

"Sinadya ko yun" ang sabi nya sa malumanay na boses na iyon.

Nagtaka ako pero nanatili lang akong nakayuko.

Sinadya nya ang alin?

I heard him sigh.

"Sinadya kong inisin ka para makaalis tayo doon at para..." ang sabi nya at agad na nanlaki ang mga mata ko sa sumunod na ginawa nya.

Dahil doon ko naramdaman ang biglang pagyakap nya sa akin sa gitna din ng walang katao-taong hallway na iyon.

"...at para magawa ko 'to" he continued.

Samantalang nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Pakiramdam ko rin ay hindi ako makahinga sa sobrang bilis ng kalabog ng dibdib ko.

Oo.

Yakap-yakap ako...

Yakap-yakap ako ngayon ni Yoongi...

"Salamat" ang sabi nya habang nakayakap sa akin at alam kong nakangiti sya nang sabihin nya yun. "Oo, ang pangit ng lasa ng niluto mo. Maalat ang ulam, sunog ang kanin, at hindi ko alam kung gulay ba yung kinakain ko kanina dahil sobrang lanta pero salamat parin. Hindi ko alam kung may lalaking gugustuhing magpakasal sayo dahil hindi ka marunong magluto pero ikaw ang kauna-unahang gumawa ng lunchbox sa akin except sa mama ko kaya nagpapasalamat talaga ako"

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

Kung matutuwa ba ako sa sinasabi nya o masasaktan pero ang pakiramdam na yakap-yakap nya ako ngayon at nagpapasalamat sya ay tama ng rason para maging masaya ako.

Doon na nya ako binitiwan at nakangiti syang nagsalita.

And by just seeing his handsome face this close ay pakiramdam ko ay mas bumilis ang tibok ng puso ko.

Namula pa ako nang maramdaman ko ang kamay nya na nag-pat sa ulo ko bago sya nakangiting nagsalita.

"So..." ang nakangiting sabi nya. "...sabay tayong umuwi mamaya para madala kita sa game ko mamayang hapun"

Napangiti ako.

At sa totoo lang ay sobrang excited ako na makapunta sa laro nya.

"Neh..." I answered.




************************



Katulad din ng dati ay magkatabi na naman kaming nakatayo ni Yoongi sa bus stop at naghihintay ng bus na sasakyan namin papunta sa lugar kung saan gaganapin ang game nya.

At katulad din ng dati ay nakakuha na naman kami ng atensyon mula sa schoolmates namin na kasama din naming nag-hihintay ng bus doon. Pero nagpapasalamat nalang ako na wala akong naririnig na kahit ano sa kanila. Marahil siguro sa natatakot narin sila kay Yoongi.

Ganun din ang nangyari sa classroom.

Simula ata nang bigyan ako ng papel at ballpen ni Yoongi ay wala ni isang nagtangkang i-bully ako uli dahil narin sa takot nilang ilista ko ang pangalan nila.

Yoongi's Music [SUGA]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang