I blink.

Ano bang pinagsasabi nya?

"Aish, okay lang yan. Pangit tignan ang babaing umiiyak kaya ngumiti ka lang. Kagaya nito oh" ang nakangiti pang sabi nya at ipinakita pa nya sa akin ang malapad na ngiti nya. "Atsaka wag mo ng isipin ang boyfriend mo. Mas magandang maghanap ka nalang ng lalaking laging magpapangiti sayo at hindi ng lalaking laging magpapaiyak sayo"

Hindi ko na talaga maintindihan ang mga pinagsasabi nya.

At isa pa ay bakit ba nya ako kinakausap eh ngayon lang kami nagkita?

Nang mapansin nyang nakatitig lang ako sa kanya ay napangiti nalang sya ng hilaw at parang nahihiyang napaiwas ng tingin.

"O-oh, masyado ba akong maingay ha? Hahahahahaha. Aigoo, this is embarrassing..." ang tumatawang sabi nya saka napakamot ng batok. "Pasensya ka na ha...aiisshh...ayoko lang kasi talagang nakakakita ng mga taong nalulungkot..."

Saka sya napatawa uli ng hilaw at napalingon sa akin.

"Pasensya ka na ha, baka naiingayan ka na sa akin. Hehehe" ang nakangiti parin nyang sabi saka sya lumingon at tumitig sa mukha ko.

Napalunok pa ako nang titigan nya ako habang nakangiti parin.

"Pero alam mo..." ang nakangiting sambit nya habang nakatitig sa akin. "...maganda ka"

I blink.

Ha?

Sinabi nya bang maganda ako?

Pero nang mapansin nyang nabigla ako sa sinabi nya ay para syang naka-realize na agad na nagsalita.

"O-oh! D-don't misunderstand me! Hindi yun ang ibig sabihin kong sabihin! I mean maganda ka pero hindi ganun! I-I'm mean maganda ka pero---aaaiiisshhh...!" saka nya nagulo ang buhok nya.

Samantalang nanatili lang akong nakatitig sa kanya.

Sino ba ang lalaking ito ha at bakit bigla nalang nya akong kinakausap?

Napangiti nalang sya uli ng hilaw saka nagtaas ng tingin at tumingin sa akin.

"Aiiisshh...pasensya ka na ha. Wag kang matakot sa akin. Hindi ako weird person kaya wag kang matakot" ang nakangiti pa nyang sabi. "Ang ibig kong sabihin sa sinabi ko kanina ay maganda ka pero mas gaganda ka pa kapag ngumiti ka"

Then he gave me that big smile on his face.

Doon ko lang napansin na gwapo pala sya. At mukhang napakamasayahin nya.

And while looking at his smiling face ay hindi ko maiwasang...unti-unti ring mapangiti.

Pakiramdam ko kasi ay nadadala ako ng masayang ngiti nya. His smile is so bright that I can't help but to smile too.

At nang makita nya ang pag-guhit ng ngiti sa labi ko ay bigla syang napaupo ng maayos at excited na napatitig sa akin.

"Oh! Oh! Ngumingiti ka na!" ang masayang sabi nya habang nakatitig sa akin. "Ayan! Totoo pala ang sinabi ko! Mas maganda ka kapag ngumingiti ka! Aigoo, aigoo, this is great. Ngumiti ka lang lagi, okay?"

Tumango lang ako habang nakangiti sa kanya.

Tama.

Kung iisipin ko ay hindi ko na maalala kung kailan ba ako huling ngumiti.

But thanks to this stranger at natuto akong ngumiti uli.

Natigil lang ang pag-ngingitian namin nang biglang dumating ang isang bus.

"Aiissh...so ito na ang bus ko" ang parang nanghihinayang na sambit nya saka tumayo at pinulot ang bagahe nya.

Pagkatapos ay nilingon nya ako at nakangiting nag-thumbs up sa akin.

Yoongi's Music [SUGA]Where stories live. Discover now