Yan ang tingin nila sa akin.

Yan ang binansagan nila sa akin ng dahil lang sa pagkakamali ng nanay ko.

But how could they do that?

How could they easily ruin my life just like this?

Gustong-gusto kong isigaw na hindi ako ang nanay ko.

Na hindi ako pokpok.

Na hindi ako katulad nya na makikipag-date sa iba't ibang klase ng lalaki.

Pero mahina ako.

Ano ba ang laban ko sa mga taong simula't sapul ay yun lang ang tingin sa akin?

Ni hindi pa nga ako nakakaranas magka-boyfriend eh. At paano pa ako magkaka-boyfriend kung ganito kadumi ang tingin nila sa akin? Sino pa ba ang magmamahal sa akin? Sino pa ba ang tatanggap ng nakaraan ng pamilya ko? Sino pa ba ang---

"Hoy, alis"



**********************



"Hoy, alis" ang biglang sulpot ng malamig at walang emosyon na boses na yun.

Dahan-dahan akong nagtaas ng mukha mula sa pagkakayakap sa binti ko at napatingin sa bagong dating.

At natigilan ako sa sumunod kong nakita.

There he is.

Standing so perfectly handsome in front of me.

He has this cold and rebellious eyes.

Wavy red hair.

Magulo ang suot nyang school uniform at hindi pa nakatali ng mabuti ang necktie nya.

Nakabulsa lang ang dalawang kamay nya sa dalawang bulsa ng pants nya habang nakatingin sa akin ang parang inaantok nyang mga mata.

Napakurap ako at natulala sa kinauupuan ko.

Maybe because ngayon ko lang sya nakaharap ng ganito kalapit kaya parang hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Min Yoongi.

Yun ang pangalan nya.

At kilala sya sa school hindi lang dahil sa kagwapuhan nya pero dahil suki rin sya ng guidance office. Maybe because of his rebellious attitude at hindi pa sya sumusunod sa school rules. Just like this, he is the only student in this school who dyed his hair red at hindi pa nya sinusuot ng mabuti ang school uniform. May ear piercings din ang magkabilang tenga nya.

Schoolmate ko na sya since middle school pero ngayon ko lang sya nakausap. Maybe because lagi syang nasa last section samantalang lagi naman akong nasa first section.

"Bingi ka ba?" ang tanong nya gamit ang inaantok na boses na yun.

I blink.

Lalo na't hindi ko inaasahan ang unang sasabihin nya. I thought ay titignan nya rin ako ng kagaya ng nakakadiring tingin na ibinibigay sa akin ng ibang schoolmates namin at tatawanan nya rin ako.

Pero hindi.

Tinanong nya lang ako.

Tinanong nya ako kung bingi ba ako.

"H-huh?" ang nai-react ko.

His bored sleepy eyes looked intently at my face.

"Ang sabi ko, alis" he said. "Pwesto ko 'to kaya maghanap ka ng ibang lugar mo"

Napakurap ako uli.

Pero mabilis parin akong tumayo at parang nahihiyang napayuko nalang.

"Alis" ang pananaboy parin nya sa akin.

"O-oh! Neh!" ang mabilis kong sagot at para akong natatarantang naglakad paalis ng balcony na yun.

Pero nang makalabas ako ay nilingon ko sya uli.

At napakurap pa ako nang makita kong nahiga na sya sa sahig at pumikit na doon.

T-teka...matutulog ba sya doon?

"A-ah ano..." ang simula ko.

"Hindi ka pa pala nakakaalis?" he rudely asked with eyes closed. "Alam mo ba kung ano ang nangyari sa huling taong nang-istorbo ng tulog ko ha?"

I gulped.

At hindi ko rin alam kung bakit kinabahan ako sa sinabi nya.

Oo. Narinig ko yun.

That person was sent to hospital because Yoongi beat him up so bad.

Min Yoongi is the weirdest person I've ever met. Because he loves sleeping a lot. Kahit daw sa classroom ay natutulog sya at binubugbog nya ang kung sino mang nang-iistorbo ng tulog nya. Napapansin ko rin na lagi nalang antok ang itsura ng gwapong mukha nya.

"G-gusto ko lang namang itanong kung...k-kung kilala mo ba ako?" ang tanong ko.

Oo nga naman.

Nakakabigla lang na hindi nya ako tinatrato na kagaya ng pagtrato ng ibang schoolmates ko sa akin.

Pero...

"Bakit? Artista ka ba?" ang nakapikit parin nyang tanong.

"Eh kasi ano---"

"I don't give a shit" he cut me off. "Now, fuck off"

I blink.

Talaga bang...

Talaga bang...wala syang pakialam?

Pero...

Hindi ko alam kung bakit may parte sa akin ang nakaramdam ng saya sa sinabi nyang iyon.



to be continued...


Yoongi's Music [SUGA]Where stories live. Discover now