Oo.

Ang musika lang ang naging panangga ko sa lahat ng pambubully na ginagawa nila sa akin.

Ang musika lang ang naging sandigan ko sa impyernong buhay na 'to.

Tumalikod na ako at yakap-yakap ang mga aklat kong mabilis na naglakad paalis. Paalis sa lahat ng mga schoolmates kong wala ng ibang ginawa kundi ang husgahan ang pagkatao ko ng dahil lang sa pagkakamali ng mga magulang ko.

Pero sa bawat sulok ng school na yun ay nanduon parin ang bulong-bulungan at mga nandidiring tingin na yun sa akin. Na para bang ako na ang pinaka-nakakadiring nilalang sa buong mundo.

Pero okay lang.

Suot ko ang headphone ko kaya iisipin nilang hindi ko sila naririnig.

Mabilis ang mga bawat hakbang na ginagawa ko hanggang sa makarating ako sa pinakadulong balcony ng school building. Oo, sa tuwing hindi ko na kinakaya ang lahat ng ginagawa nila sa akin ay doon ako tumatakbo.

This is the only place on earth where no one could look down on me.

Ito lang ang natatanging lugar sa mundo ang magtatago sa akin mula sa mga taong yun.

Ito lang ang natatanging lugar sa mundo ang nagiging escape ko mula sa mga nandidiring tingin nila at sa mga pambubully nila sa akin.

Walang estudyanteng nagpupunta doon kaya walang makakakita sa akin dito.

Nang makarating ako doon ay napahawak nalang ako ng mahigpit sa bakal na railings at huminga ako ng malalim para pigilan ang sarili ko sa pag-iyak.

Pero in the end ay hindi ko parin kinaya.

Ang sama-sama lang ng loob ko at kapag hindi ako umiyak ay baka tuluyan na akong mawala sa katinuan.

Naramdaman ko nalang ang pagpatak ng mga luha sa magkabilang pisngi ko.

Dahan-dahan akong napaupo sa sahig at nayakap ko ng mahigpit ang mga binti ko. Ipinatong ko sa mga binti ko ang ulo ko at doon ako nagsimulang humagulgol ng iyak. Hindi ko narin tinanggal ang headphone na laging nasa tenga ko dahil natatakot ako na makita nila akong hindi suot yun at baka malaman nilang naririnig ko sila.

I'am Park Yuseon.

Seventeen years old and now in third year in highschool.

At tama ang sinabi nila.

Two years ago, my father died because of my Mother's doing.

He took his own life when he found out that my Mom is going out with another man. At hindi iisang lalaki lang ang naging lalaki ng nanay ko. Nang malaman ng tatay ko ang kaliwa't-kanan na panlalalaki ng nanay ko ay hindi na nga nya kinaya at nagpakamatay sya.

Losing my father is painful.

It means hell for me dahil ang tatay ko lang ang nag-iisang nagtataguyod ng pamilya namin at ang nag-iisang nagmamahal ng totoo sa akin.

Pero mas masaklap pa pala ang mangyayari sa akin after ng mawala sya.

My mom abandoned me at sumama sa lalaki nya kaya naiwan ako sa pangangalaga ng tita ko.

At simula nang malaman ng lahat ng tao ang mga pangyayari lalong-lalo na ang paglabas ng nanay ko kasama ang iba't-ibang lalaki ay doon na nagsimulang maging totoong impyerno ang buhay ko.

Pokpok ang tingin nila sa nanay ko.

And unlucky for me, I'am her only daughter kaya ganun din ang tingin nila sa akin.

Pokpok.

Bayarang babae.

Maduming babae.

Yoongi's Music [SUGA]Where stories live. Discover now