11.07.19 - The Sunshine After the Rain

91 1 0
                                    

The Sunshine After the Rain
11.07.19

Umakyat ako ng kwarto at roon nagkulong. Naiinis kong pinalis ang mga luha. Kung kanina'y hindi ko alam kung para saan ang pag-iyak ko, ngayo'y malinaw ang disappointment, regret, hopelessness, at bitterness sa dibdib ko.

Pinakalma ko muna ang sarili bago ko hinagilap ang cellphone para tawagan si Kiel.

[Love? Kamusta? Okay ka lang? Pinagalitan ka?] he greeted which made another batch of tears well up in my eyes.

Naririnig ko ang boses nina Tita Kylie at Tita Rhianne---may-ari ng Sierra---sa background, nag-uusap.

"Uwi na kayo?" mahinang tanong ko,  napansing nasa sasakyan sila.

[Traffic nga eh. Okay ka lang ba?] mahina rin at mababa ang boses niya.

"Am I on loud speaker?"

[Hindi. Bakit?]

"Wala. I miss you."

[Anong nangyari?] seryosong tanong niya.

"I just wanna say sorry kanina. . . I-I'm sorry. . . Really. I'm sorry. I shouldn't have denied you like that. I'm sorry, I hurt you again. . ." My voice cracked.

[. . .]

". . ."

[Okay lang naman 'yun. Napag-usapan naman na natin 'to, 'di ba? Effective ba 'yung sinabi ko?]

"Hindi. Kasi inamin ko rin pagkaalis mo."

[Hala? Alam na ng mommy mo?]

"Yes. Hindi ko kaya eh. . . I don't wanna cause you more pain."

[Hala. . . Edi pinagalitan ka? Dapat sinakyan mo na lang. . . Paano 'yan? Anong nangyari? Okay ka lang?]

"Kwento ko na lang sa 'yo some other time. For now, I just wanna say sorry."

[Okay lang naman 'yun. . .]

"It's not. Hindi okay. I realized that nung umalis ka nang hindi ako tinitignan. Natakot ako. Na baka mawala ka. Kaya kahit ang hirap, inamin ko kay mommy."

[Grabe. Bakit naman ako mawawala?]

"Basta. I won't do that ever again. You're my family. I don't want to keep on hurting you and making you adjust . . . Palagi na lang ikaw ang nag-a-adjust sa akin. . ." I realized.

Tumahimik siya nang ilang segundo kaya boses lang nina Tita Kylie at Tita Rhianne ang naririnig ko.

"Love?"

[Hmm?]

"Natahimik ka? Are you okay?"

[Hindi. Gusto kong agawin 'yung manibela kay mommy para puntahan ka.]

Napangiti ako. "I'll support you."

[Ah, sige. Wait.]

"Joke lang," I chuckled. "Rest time na."

[Avien,] he called my name after a while.

"Hmm?"

[Mahal na mahal kita,] mahinang aniya.

I immediately felt my eyes burning again. I didn't know I needed to hear that until he said it.

"I think I love you more eh. . ." My voice trembled but I managed to mask it with a chuckle.

[Try mong maging ako minsan para magkaalaman kung kanino mas lamang.]

Naging totoo ang pagngisi ko. "Kung nababasa mo lang isip ko baka bumack out ka."

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version)Where stories live. Discover now