07.29.19 - Day 3: Kiel is Sick

199 30 1
                                    

Day 3: Kiel is Sick
07.29.19

Kiel Yuan Santillan

6:24 AM

good morning po

sakit ng ulo ko huhuhu

Late na ata nagising si Kiel. Two minutes na lang ay mag-a-ala syete na pero wala pa rin siya sa school. Nilabas ko ang phone para ichat siya.

6:58 AM

Kamusta? Drink a lot of water.

Papasok ka?

Pinasok ko sa bag ang phone nang dumating na ang first subject teacher.

I slowly tapped my ballpen on my desk as I watched the door, waiting for Kiel. 

Napaayos ako ng upo nang magbukas ang pinto para sa pangalawang taong late.

I saw Kiel.

"Good morning, Sir. Sorry, I'm late."

Buti ay nakaabot siya sa grace period. He glanced at my direction as he proceeded to his seat.

Pansin ko na naningkit ang mga mata niya. His eyes looked weak.

He was quiet the rest of the class. Kung hindi siya nakatingin sa board ay nakayuko naman siya.

Kiel Yuan Santillan

7:04 AM

okay naa thank uu

malapit na aq school

8:01 AM

Okay ka lang ba?


I sent him a message after the first class. I saw him take out his phone from his pocket.

8:01 AM

opo. ikaw?

Anong ako? Ikaw. Kumuha ka ng gamot sa clinic kung masakit pa rin ulo mo.

hindi na masakit nung kumain ako. kanina lang paggising ko atsaka kapag nakaharap sa screen

Ako na lang ang kukuha.

Napalingon siya sa direksyon ko at nagtipa ulit. Hindi naman ako nakaalis dahil biglang dumating na ang next subject teacher. Tinago namin ang phone.

Napalingon ako kay Harvin nang mapansin ko ang pag-ismid niya.

"Harvin," mahinang tawag ko nang may maalala. "Kumuha ka ba ng photos nung acquaintance party?"

". . ."

He ignored me! Nanatili lang siya sa harapan, animo'y nakikinig kahit nagseset-up pa lang naman ng laptop ang teacher!

Hinayaan ko siya. Kung wala siyang nakuhanan, edi lahat ng na-observe ko ayun ang ilalagay ko sa isusulat.

Dumating ang recess. Lumabas ako para kumuha ng gamot sa clinic at bumili na rin ng pagkain.

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon