02.18.19 - It Will All End

224 32 4
                                    

It Will All End
02.18.19

Pagpasok ko ng room ay dumiretso agad ako sa upuan ko. Napatingin ako sa pwesto ni Kiel at wala pa ring naka-upo roon.

Pumangalumbaba ako at itinuon na lang ang mga mata sa labas ng bintana. I could feel Harvin's eyes on me but I didn't give him a glance.

Walang bago sa araw na iyon. Nobody was still talking to me.

Wala naman akong pakialam sa ganito dati. Pero hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon, hindi pa rin maayos ang pakiramdam ko.

"Guys, punta na raw court! Maglalaro na sila!" anunsyo ni Nathan kaya naglabasan na ang mga kaklase ko.

Nanatili akong naka-upo sa upuan ko habang unti-unting nawawala ang ingay. Hanggang sa ako na lang ang mag-isa sa classroom.

I rested the side of my head on my desk and stared blankly at the window.

Sana matapos na ang school year . . .

Ipinikit ko ang mga mata at unti-unting hinila ng antok.

Naalimpungatan lang ako nang maging maingay at magulo ang classroom dahil sa pagpasok ng mga kaklase.

Napabangon ako at kinusot ang mga mata.

Kumunot ang noo ko nang may makitang tatlong Mentos at Chuckie sa lamesa ko. Lumingon ako sa paligid at itinabi iyon nang hindi makumpirma kung sino ang may-ari.

Ipinatong ko ang siko sa lamesa. Isinandal ko ang sintido sa palad at ibinaling ulit ang tingin sa bintana.

*  *  *

July 23, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon