04.25.19 - In the Pit of the Stomach

206 33 16
                                    

In the Pit of the Stomach
04.25.19

"Hi, Avien!" bati sa akin ng tita ni Kiel habang kumukuha ako ng order. Galing siya sa staff room.

I smiled. "Hello po."

"Nandito si Yuan," she informed me.

Napanguso ako kasi hindi ko naman tinanong. Baka iniisip niya na nagpupunta lang ako rito para kay Kiel?

Kaya naman pagkatapos makuha ang order ay umalis na ako.

Habang naglalakad palayo ay napalingon pa ako sa shop.

Wala naman siya ah?

Naglakad-lakad lang ako. Wala pa akong balak umuwi dahil ayon sa schedule ko, leisure time ko ito. Mamaya ay magluluto ako ng merienda at susubukan ulit magsulat.

Dinala ako ng mga paa sa park.

And how weird it was to see Kiel there!

My eyes narrowed. Ba't ba kung saan-saan ko na lang 'to nakikita!

Nakaupo siya sa swing, may kagat-kagat na ice cream cone at may finofold na kung anong papel. May nakapalibot sa kaniyang iilang bata na kumakain ng ice cream at nagpapalipad ng eroplanong papel.

"Kuya, ang pogi mo!"

"Kuya, crush kita!"

"May girlfriend ka na?"

"Grabe na talaga ang generation Alpha." Inubos ni Kiel ang kinakain at tinapos ang ginagawang eroplanong papel.

"Akin 'yan?"

"Yung ano po?"

"Ayan." Tinuro ng bata ang hawak ni Kiel na eroplanong papel.

"Alin po?"

"Ayan po."

"Ahh. Gusto mo?"

"Oo."

"Gusto mo po?"

"Opo."

"Gawa ka. Joke!" Binigay niya ang laruan sa bata. "Try mo nga po."

Lumapit ako habang sinubukang paliparin ng bata ang eroplano. Nagpalakpakan ang mga bata, natuwa dahil ang smooth ng lipad ng eroplano.

"Oh 'di ba ang ganda. Sakay ka nga," Kiel encouraged the kid.

"Hindi 'yan sinasakyan!"

"Anong hindi eh airplane 'yan."

"Papel lang 'yan!"

"Eh bakit lumilipad?"

"Kasi airplane na papel!"

"Galing ah." Kiel sounded amazed and asked a high five from the kid. "Pwede kang maging pilot."

"Marunong na nga 'ko magpa---"

"Pilot ballpen."

Sumimangot ang bata.

"Kasi nga 'di ba papel pa lang 'yung airplane mo. Kaya magsisimula ka muna bilang ballpen."

Natawang napangisi ako at mahinang dumuyan. Nakaupo na ako sa katabing swing at nakikinig lang sa usapan nila. I sipped on my drink.

"Sige na, laro na kayo." Tumayo si Kiel mula sa swing.

"Aalis ka na, kuya?"

"Opo."

"Laro pa tayo!"

May nakatamaan ako ng tingin na bata. Pamilyar siya dahil madalas kong makitang maglaro rito sa park. She smiled at me. I smiled back.

"Tagu-taguan!"

"Sige, tago na kayo. Hanapin ko kayo bukas."

Naglakad na si Kiel nang magtama ang tingin namin. Napahinto siya at dalawang segundong natigilan. "Uy! Kanina ka pa??"

Umilling ako.

Napatingin siya sa iniinom ko. "Galing kang Sierra?"

"Oo."

"Kuya, girlfriend mo si ate?" biglang tanong ng bata.

"Hala, suntukin ako niyan."

"Why are you here?" I asked him.

Umupo ulit siya sa katabing swing, tumabi sa batang naroon. "Tambay lang. Pabalik na nga 'ko eh. Ikaw?"

"Napadaan lang."

"Palaging nandito si ate," sabi ng batang babae.

"Nakikipaglaro ka sa kanila?" tanong ni Kiel.

Umiling ako.

"Crush ko 'yan si ate eh!"

"Mabango si ate!"

Kiel chuckled. "Sabi ni ate, laro raw kayo tagu-taguan. Tago na kayo. 1, 2 . . ."

Naexcite ang mga bata. Nagtilian sila at tumakbo na ang iba para magtago. I glared at Kiel.

"Oy! Ang duga oh! Hindi nakapikit!" Tinuro ako ni Kiel sa mga bata.

"Nagalit si ate!"

"Huy, huwag kang mapanghusga. Normal face niya 'yan."

"Mabait 'yan si ate, laging nagsmile sa 'kin!"

"Weh?" Kiel glanced at me. "Tingin nga ng smile."

Pairap akong umiwas ng tingin.

Kiel chuckled. "Tago na kayo! Pipikit na si ate!"

"Wala akong sina---"

"1! 2! 3! . . ." Pumwesto sa harapan ko si Kiel habang nagbibilang para takpan ang paningin ko.

Nanatili siya sa harapan ko hanggang sa naubos na ang mga bata. My eyes stilled at him.

"4 . . . 5 . . . 6 . . ." Nakatingin din siya sa akin habang nagbibilang. I held my breath when he suddenly leaned down, leveling my face.

I felt something in the pit of my stomach when a ghost of a smile appeared on his lips.

Napaiwas ako ng tingin.

Nang umayos na siya ng tayo ay 'tsaka lang ako nakahinga.

"Game na ba? Sabihin niyo 'pag game na!" lingon ni Kiel sa paligid.

"Game na!" sigaw ng mga nauto.

"Game na ra---"

Tumayo ako at nilagpasan siya. Napapikit ako at pinakalma ang sarili.

What the hell's wrong with me!

* * *

July 29, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version)Where stories live. Discover now