05.03.19 - Bewildering

194 33 9
                                    

Bewildering
05.03.19

Sa mga sumunod na araw ay palagi akong lumalabas ng bahay at madalas magpunta ng park.

Kahit wala sa schedule ko!

"Kami naman hanapin niyo! Lagi na lang kami ang taya!" demand ni Kiel.

Nagkita ulit kami sa park at pinilit ulit akong sumali sa paglalaro nila ng mga bata. Actually, pinilit is an understatement. Kasi wala namang pangungumbinsing nangyari! Bigla na lang kasali na ako sa laro nila kahit nananahimik ako sa isang tabi!

Gaya nito!

"May hiding spot na 'ko!" excited na ani Kiel. He held my wrist and pulled me up from my seat. "Tara!"

Hihilahin niya dapat ako kung saan pero binawi ko na agad ang braso ko dahil sa elektrisidad na naramdaman.

Umiwas ako at mag-isang naglakad. I heard his footsteps behind.

"Avien, sorry . . ." Nagbago ang tono ni Kiel. Nawala ang excitement sa boses niya. "Sorry, hindi na 'ko---"

"Bakit?" Nilingon ko siya.

"Galit ka?"

"No."

"Ahh . . . Sige magtago na muna tayo," he said. Ilang segundo pang nanatili ang tingin namin sa isa't-isa bago siya lumiko. "Dito lang ako."

I followed him with my gaze.

Sinundan ko siya.

Lumapit siya sa isang sasakyan. Akala ko sa likod siya no'n pero tumunog iyon. I realized he was holding the key.

Bubuksan na ang pinto sa driver's seat nang napansin niya ako. "Sama ka?"

I didn't speak.

Kiel just opened the door for the back seat.

Napatingin ako sa kaniya bago pumasok doon. Kiel closed the door and entered the driver's seat. He opened the aircon then rested his arm on the steering wheel and his temple on his arm.

He remained quiet so I felt awkward. I peeped at him. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana.

He glanced at me, making me avert my gaze. Umayos siya ng upo at nilingon ako. "Sorry."

"Huh?" Napabalik ang tingin ko sa kaniya.

"Hinila kita . . ."

Naguguluhan ako pero nanatili pa rin siyang nakatingin kaya napatango na lang ako.

"Gusto mo na bang umuwi? Hatid kita." Inistart niya na lang ang sasakyan at binaba ang bintana. Tinawag niya ang pinakamalapit na bata at nagpaalam.

"Babalik kayo, kuya?"

"Hindi ko pa alam kung kailan ako babalik eh. Baka next month. Laro na kayo, babye!"

I shifted from my seat. Lumapit ang ibang mga bata at nagbabye.

"Balik kayo!"

"Balik ka, Kuya Kiel!"

Kiel smiled and waved at them.

"Saan sa inyo?" he asked.

". . ."

Nilingon niya ako.

"Diretso lang."

He nodded and began maneuvering. I watched him. Bakit ako nito pinapauwi?

Sa biyahe, pakiramdam ko may mali dahil hindi siya madaldal.

But he sounded so excited just earlier.

Ngayon para na siyang walang gana at gusto nang umuwi.

What the hell! Ako lang naman last contact! What did I do?!

"Dito?" Huminto si Kiel sa bahay namin matapos kong ituro.

"Bakit mo ako pinapauwi?" I finally asked.

"Huh? Ayaw mo pa ba?"

". . ."

Why would he suddenly assume that?

Buntong-hininga akong lumabas ng sasakyan. Hindi ko siya maintindihan.

Napadiin ang hawak ko sa pinto, nagdadalawang-isip isara iyon.

"Bye---"

"Do you want to come inside?" I blurted out.

". . ."

I closed the door and walked away.

What the fuck.

Dinig ko ang pagbukas-sara ng sasakyan. "Avien."

My heart skipped a beat. Napahinto ako habang hawak na ang gate.

"May kasama ka ba sa inyo?"

". . . Wala."

". . ."

". . ."

"Pwede pumasok?"

I breathed in, calming myself as I opened the gate.

*  *  *

July 30, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version)Where stories live. Discover now