10.18.19 - More of You

117 2 0
                                    

More of You
10.18.19

"Gagawa ba tayo ngayon?" dinig kong tanong nila Erin.

They turned to my direction.

I jittered and gulped.

Wala namang leader sa group namin. Nasanay lang silang ako ang nagdedesisyon. . .

"Kayo. . ." sambit ko.

"Kahit ano ako."

"O-Okay lang sa akin pahinga muna," sabi ko.

"Sige! Next time naman ulit! Madami naman na tayong nagawa!" they agreed.

I felt relieved. Dahil plano kong dalawin si Kiel ngayon. Absent kasi siya kaya siguradong may sakit pa rin.

"Bye," paalam ko sa mga kagrupo nang makasabayan sila sa paglabas.

"Bye!" paalam sa akin ni Erin.

"Wala ka bang pa-McDo naman diyan, Avien?" pahabol ni Dianne.

"Uh. . ."

She chuckled. "Joke lang!"

Napangiti ako. Nagbiro siya sa akin!

Kumaway ako sa kanila at nauna nang bumaba, may ngiti pa sa mga labi.

"Ba-bye!" paalam ko kay Nathan nang madaanan siya.

He smiled at me and waved. Kumaway din ako kila Honey na kasama niya.

Dumaan muna ako sa market para bumili ng fruits kay Kiel. May nakita akong bilihan ng mga bulaklak kaya bumili rin ako.

Nang makarating sa subdivision ay tinext ko naman si Tita Kylie.

Nagpaalam na kasi ako sa kaniya na dadalawin si Kiel. Sinabihan niya lang ako na sabihan siya pagdating ko ng subdivision. After I updated her, maya-maya rin ay sinundo ako ni Manong Rey.

"Good afternoon po, tita." Bumeso ako kay Tita Kylie pagdating.

Napatingin siya sa dala ko. Tinago ko iyon sa likuran ko, biglang nahiya.

"Kamusta po si Kiel?" I asked.

"Natutulog sa taas."

"Pwede ko po siyang puntahan?"

Isang beses siyang tumango.

Ngumiti ako at agad dumiretso sa kwarto ni Kiel. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumilip. Natanaw ko si Kiel na nakahiga sa kama, nakatalikod mula sa direksyon ko.

Marahan akong pumasok at maingat na sinarado ang pinto. Ang lamig ng kwarto niya pero hindi man lang nakakumot.

Lumapit ako at napangiti nang makitang mahimbing ang tulog niya. Ang lawak ng kama pero nasa pinakagilid talaga siya. Marahan kong hinawakan ang noo niya para icheck. Hindi na nga siya mainit.

I crouched down beside him and watched him sleep. My brows just knitted when I suddenly noticed some rashes on the crook of his neck. Chineck ko iyon at napansing umaabot hanggang sa collar bone niya.

Nang kukumutan ko siya ay napansin ko ang isa pang rashes sa braso naman niya. I surveyed his body and found another mark near his elbow, on his nape, and fingers.

Napatitig ako kay Kiel. Marahan kong hinaplos ang pisngi niya bago lumabas agad ng kwarto. I looked for Tita Kylie. Nakita ko siya sa kusina.

She glanced at me once. Naglalatag siya ng mga gamit sa kusina para sa baking.

I sat on the bar stool. "Ah, Tita. . . May nakita po kasi akong mga rashes kay Kiel. . . Ano po 'yun. . ." medyo kinakabahan kong tanong.

"Heat rash," she replied.

"Ang rami po. . ."

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Kapag nilalagnat siya, palagi siyang nagrarashes. And they don't go away easily. Makati raw so he stays in a cold place."

Bakit hindi ko alam?

"Ah. . . Kaya po pala pagpasok ko, sobrang lamig ng room niya."

Nagpatuloy na siya sa ginagawa.

"Kaya po ba matagal siyang umabsent kapag nagkakalagnat? Hinihintay niyang mawala ang rashes?" I realized.

"Yes. Dadami lang kapag pinagpawisan kaya I always advise him to just stay at home."

Napanguso ako. Bakit hindi ko manlang alam ang impormasyon na 'to?

Hindi na ulit nagsalita si tita kaya nanood na lang ako sa ginagawa niya. I was waiting for her to invite me kasi baking usually ang ginagawa namin kapag nandito ako.

Napatitig ako kay Tita, lumilipas ang mga minutong hindi niya ako kinikibo.

"Bakit po. . . palaging may lagnat si Kiel?" I tried opening a topic, feeling the awkwardness.

Dumaan ang ilang segundong katahimikan ulit nang hindi ako sagutin ni Tita.

"Madalas talaga siyang magkasakit. Mahina ang immune system niya," she replied after a while.

Our eyes met. Seryoso lang ang mukha niya. Then I realized, she hasn't smiled at me since I've arrived.

My eyes dropped on the granite top, couldn't hold the gaze. I pursed my lips as another moment of silence filled the kitchen.

"It's my fault. I babied him too much," dugtong niya maya-maya, napaangat agad ako ng tingin.

"Nasabi ko na ba na he is a miracle child?"

Natigilan ako saglit at mahinang umiling.

"He is. I have complications so I'm not capable of giving birth but then he came . . . Binigay siya sa 'kin . . ." She smiled. "It was my birthday when I found out that I was pregnant of him . . . He is and will always be the greatest gift I have ever received."

The way she talked about Kiel made me smile.

"Mahal na mahal ko. Syempre, only child. I was obsessed with him. Pinapagalitan nga 'ko ng daddy niya dahil doon. Simula pagkapanganak kasi hanggang toddler, pinagdadamot ko sa lahat. Maski sa daddy niya. Sobrang mahal na mahal ko eh. Takot akong madumihan, madaplisan, o ano. He's too precious. I feel like he deserves the world and nobody deserves him.

"Kaya nga pakiramdam ko, it's my fault na lumaki siyang sakitin. Na kasalanan ko kaya mahina ang immune system niya. I caged him too much. I was selfish. Tinago ko siya sa mundo.

"When I realized that, I changed my way of parenting. Naging maluwag ako sa kaniya. Ayoko nang ikulong siya. Ayokong sa akin lang paikutin ang mundo niya. Ayokong maging mundo niya ang dapat na bahay lang. I wanted him to experience the real world. I wanted him to enjoy his life---his youth, to create happy and worthy memories. Para wala siyang pagsisihan, para mayroon siyang babalikan paglipas ng panahon.

"I wanted him to explore, to experience everything. Kaya hinahayaan ko na siyang magdesisyon para sa sarili niya. Matuto nang sarili niya. Pero alam mo, mahirap na hindi pakialaman ang buhay niya . . ."

I smiled. Somehow, the momentary off feeling resonating in the air earlier had toned down.

"Kasi kung ano-anong kalokohan ang pumapasok sa isip. Kapag ginusto niya, ginusto niya."

I chuckled, agreeing.

Nagpatuloy na ulit siya sa ginagawa. Tahimik ko na lang ulit siyang pinanood, magaan na ang loob ngayon dahil makuwento na ulit siya sa akin.

*  *  *

September 24, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version)Where stories live. Discover now