02.21.19 - Other Side

225 33 5
                                    

Other Side
02.21.19

"Hi, pwede pong makitable?"

Nilingon ko si Kiel na sumumlpot sa tabi ko. "Anong problema mo?"

His lips protruded as he sat beside me at the library.

Napatingin ako sa mga dala niyang libro at notebook. Hiniga niya roon ang ulo habang nakabaling sa akin.

"Ang dami kong namiss na activities," reklamo niya. "Para akong mababaliw."

"Yung araw ba naman ng absent mo, saktong naghahabol ng activities 'yung teachers."

"Hay . . . Buti na lang may kaibigan akong top 1 na tutulong sa akin . . ."

Napairap ako at bumalik sa ginagawa.

"With highest honor major in everything."

". . ."

"Nasa'n kaya siya? Hindi na nga dumalaw, hindi pa makatulong . . ."

". . ."

"Iba na talaga ang takbo ng mundo. Dapat kinikilala mo nang mabuti ang kinakaibigan mo kasi may mga taong matapos mo papasukin sa buhay mo, sisirain ka lang."

". . ."

"Okay sana kung sisirain ka nang hindi mo nalalaman, pero kapag harap-harapan kang sinasaksak---"

Tinampal ko sa pisngi niya ang sticky note na sinulatan ko.

Kinuha niya iyon at tinignan.

"Ayan lahat ng namiss mo. Manahimik ka na at simulan."

Napaahon siya. "Eto lahat? Kulang pa."

"Marunong ka pa sa pumasok."

"Nasa'n ang pangalan mo?"

". . ."

". . ."

Unti-unting lumukot ang mukha ko.

Kiel chuckled, entertained by my reaction. Binasa na niya ulit ang nilista ko. Binuksan niya ang Filipino book at naghanap ng pahina.

"Tutulungan mo na ako?" He glanced at me.

"Sa Filipino, kailangan mo lang munang basahin 'yung stories para masagutan ang essay."

Iyon ang una niyang ginawa. I continued reading while Kiel also read quietly beside me. Tapos ay paunti-unting nagsagot.

I noticed how serious and focused he was while doing his task.

Chineck ko ang oras sa relo. Nandito na ang service ko.

Tumayo muna ako para ibalik sa shelf ang librong binabasa. Kiel lifted his eyes at me when I returned. "Aalis ka na?"

"Andiyan na service ko."

"Tutulungan mo ulit ako bukas?" Nagligpit na rin siya.

"Tapos ka na?"

"Hindi pa. Bukas ulit. Kapag vacant?"

"Tapusin mo na ngayon para mapasa mo na."

"May practice kami Mr. and Ms."

"Okay."

"Bukas ulit ha?" Kinulit pa niya ako hanggang makababa.

*  *  *

July 25, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant