07.26.19 - Over Logic and Reason

186 32 0
                                    

Over Logic and Reason
07.26.19

Pumasok ako ng garden at umupo sa pwesto.

I saw couples being affectionate towards each other.

Lahat may kasama. Pati sa loob, parang isang buong grupo ang mga tao.

At a distance, I saw that even Harvin had a company.

I felt like I was the only one alone. I was the only one not enjoying. I didn't belong.

Tumayo ako at dirediretsong lumabas. Sa lobby ay tanging guard lang ang naroon na tinanong ako kung saan pupunta.

Ayokong panoorin niyang maging mag-isa kaya bumalik ako sa loob at naghanap ng ibang exit palabas. Napunta ako sa likuran ng venue. I sat on the stair step while hearing the muffled music from the inside.

I looked up at the clear sky. The cold breeze hugged my skin.

"Okay ka lang?"

Alam mo 'yung okay ka naman, pero kapag tinanong ka, biglang hindi ka na okay.

Pinigilan ko ang pagbabadya ng luha. I ignored the owner of the voice.

Kiel sat beside me.

Sa pagsama niya sa akin, pakiramdam ko tuloy kawawa ako.

Which I'm not! I'm used to being alone and I hate people who pity me for it.

"Magulo ba sa loob?"

". . ."

"Alam kong ayaw mong mag-usap tayo pero malamig dito, Avien. Pag pumasok ka, hindi na ulit kita lalapitan."

Mas lalong ayaw kong pumasok.

Maya-maya ay tinanggal niya ang polo niya.

"No," pigil ko nang akto niya itong ibabalot sa akin.

"Anong no? Nagsestretching lang ako." Bigla siyang nagstretching.

With just that, okay na ulit ko.

Ang babaw-babaw ko pagdating sa kaniya.

"Dito ka lang talaga?" he confirmed. "Sige."

Nang tumayo siya at iniwan ako ay uminit ang dibdib ko. I felt a hollow in my heart.

My eyes dropped on the ground. I breathed in and tried to compose myself.

Nilabas ko ang phone para magpasundo na kay mommy. Natigilan lang ako sa pagtatype nang may maramdamang bumalot sa balikat ko.

"Kumuha lang ako jacket." Bumalik sa tabi ko si Kiel.

I bit my lower lip as it trembled.

I wanted him to talk nonstop and distract me like he'd always do. I wanted to hear him complain again, tell stories I didn't ask about, utter senseless things, joke around, anything that could interrupt my emotions.

But instead, he indulged with me in silence.

Dahil sa katahimikan, nabababad ako sa damdamin at natatalo.

I didn't want to cry because I didn't understand what it was for.

Hindi naman ako iyakin pero palagi na lang ako naiiyak kapag nasa tabi si Kiel. At ang hirap-hirap pigilan.

Mabilis kong pinalis ang luhang tumulo sa pisngi ko. I felt ashamed and pathetic for it.

Nang maramdamang lumingon sa akin si Kiel ay nagtuloy-tuloy pa ang mga luha ko. Ang bigat ng dibdib ko. Hindi ko na napigilan ang paghikbi.

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version)Where stories live. Discover now