06.26.19 - Something New

199 30 0
                                    

Something New
06.26.19

"I encourage everyone to join a club. Grade ten na kayo. You should try engaging in extracurricular activities," pagkumbinsi sa amin ng adviser matapos magcampaign ang iba't-ibang clubs sa room.

"Avien, sali ka school paper," pag-aya ni Kiel.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagsusulat.

"Masaya ro'n. Sumali ka rin. Sure win ka na."

"Ayoko."

"Bakit?"

"Waste of time."

"Wews. Nakaka-enjoy kaya. Pwede kang ma-excuse sa klase."

". . ."

"Nakasali ka na ba sa mga club dati?"

". . ."

"Ayaw mong magtry ng bago? Malay mo mag-enjoy ka."

". . ."

He lowered his head, tried to imprison my gaze. "Pst. Avien."

Naconscious ako kaya tinigil ko ang pagsusulat at sumandal sa upuan. Tinignan ko siya.

"Try mo lang, edi kung hindi ka pumasa, edi hindi. Kung oo, pag-isipan mo ulit kung talagang ayaw mo."

"Hindi nga ako sasali, sayang lang panahon ko kung magtatry ako."

"Promise. Isang try lang."

Bumuntong-hininga ako. Ang kulit.

"Anong oras ba dumarating service mo?"

"Wala na akong service."

"Edi mas maganda! May time ka mamaya! Wala rin naman tayong assignment, wala kang gagawin sa bahay. Samahan kita mag-apply!"

Ayoko talaga ng pinipilit ako. Kapag pinipilit ako, lalo akong umaayaw.

Pero Kiel had his ways!! Palagi na lang niya akong nahahatak! And I hate him for that!

"Smile ka na."

"Pati pagngiti ipipilit mo?" sagot ko sa kaniya. Uwian na at nandito kami ngayon sa room ng journalism club, naghihintay ng instruction.

Napanguso si Kiel at dumukdok na lang sa lamesa.

Hindi na siya nagsalita kaya parehas kaming tahimik. Nanatili lang siyang nakahiga sa lamesa hanggang sa ipinaliwanag na sa amin ang gagawin.

"Anong a-apply-an mo, ate?" they asked me.

Binasa ko ang mga nasa banner.

"Pwedeng ikaw na 'yung writer ni Kiel, tutal recruit ka niya. Magsusulat ka lang tungkol sa mga litratong kukuhanan ni Kiel."

Tumango na lang ako.

"Okay, bigyan kita 1 hour and 30 minutes para sa application work mo." She gave me some bond papers and sample works. "You can write about any event dito sa school. Pwedeng formal, pwede ring in a more creative approach."

Pagkatapos magpaliwanag ay lumapit naman siya sa ibang candidates para iguide.

I slowly tapped my pen on the table as I watched Kiel. Nakahiga lang ulit siya sa tabi ko pero nakatalikod sa akin.

Bumalik ang mga mata ko sa papel nang umayos siya ng upo. "Avien, sige, ano, uwi ka na."

Napataas ako ng kilay.

"Okay lang hindi ituloy. Papaalam kita."

Umiling ako at umaktong nag-i-isip ng isusulat.

"Kahit ano lang isulat mo, tapos ipasa na."

"Umuwi ka na kung gusto mo."

Umiling siya. "Hintayin kita."

Hindi na ako nagsalita para makapag-isip na ng isusulat. Buntong-hininga naman siya sa tabi ko at hindi mapakali. Nilapag niya ang siko sa lamesa at ipinangtungkod ang palad sa sintido, animo'y problemado.

I pursed my lips and breathed in deeply.

Hindi naman siya nagsasalita pero nadidistract pa rin ako!

Sinubukan kong magfocus pero wala akong maisip!

Nang sulyapan ko si Kiel ay kita kong nakapikit na siya. Nagtagal ang tingin ko sa kaniya bago bumaling ulit sa papel.

Napahilot ako ng sintido dahil hindi ako makapagfocus. Dinampot ko ang mga gamit at umalis sa tabi ni Kiel.

Nagpaalam ako sa member na sa ibang lugar gagawa at lumabas na ng room.

Sa garden ako umupo at doon nakapagfocus. Nag-isip ako ng events sa school at napagdesisyunang Sportsfest na lang ang gawin dahil iyon lang ang pinaka may alam ako. Hindi ko na alam ang ibang details sa ibang event dahil hindi ko naman dinaluhan.

Hindi na ako natagalan sa pagsusulat. Hindi ko na inisip ang kagandahan ng gawa dahil wala naman talaga akong balak sumali. I wasn't aiming to be chosen.

Pagbalik ng room, nakita ko si Kiel sa parehong upuan pero mayroon nang kasama. Si Ailene, kaklase namin. Nagsusulat siya habang nakahiga paharap sa direksyon niya si Kiel.

Gising na siya. He was just emptily staring at nowhere, probably drowsy.

Dumiretso ako sa member ng club para magpasa ng gawa. I glanced back at my classmates' direction. I caught Ailene looking at Kiel. Lumipat ang mga mata ko kay Kiel at nagtama ang tingin namin.

He barely moved. Seryoso lang ang mukha niyang nakatingin sa akin.

I looked away and was expecting him to walk over my direction but he remained in his position.

Hanggang sa mapasa ko na ay wala siyang ginawa. Hindi niya rin ako tinawag o ano hanggang sa nakalabas na ako.

Naiinis akong naglakad paalis. Akala ko ba hihintayin niya lang akong matapos?!

*  *  *

August 4, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon