11.07.19 - For Memories

69 3 0
                                    

For Memories
11.07.19

"Wala raw ulit si Mrs. Cruz!!!" eskandalosang balita ni Honey pagpasok ng klase.

The class rejoiced. Last subject na kasi namin ngayon.

"Yehey uwian naaa!!"

Mayroong mga naghanda na sa pagliligpit ng bag. Hindi ko tuloy alam kung mag-a-ayos na rin ako. May grace period pa naman kasing 10 minutes. Sa sobrang excited ng mga kaklase ko, hindi na nila inantala at lumabas na.

"Avien, sama ka?"

Napalingon ako kay Ailene.

"SM kami. Sama ka," she invited me.

Natigilan ako sandali. Kasama niya sina Erin, Shanice, Faye at Dianne.

Tumayo ako at lumapit kahit medyo nagdadalawang-isip pa dahil sa oras.

Nag-iisip na sila kung ano ang gagawin habang palabas kami ng room.

"Uy gala kayo? Sama kami!" Narinig nina Rain ang pagpaplano.

Nagtama lang saglit ang tingin namin ni Kidl bago ako nagpatuloy sa paglalakad.

Kinausap ako ni Erin kaya nasa kaniya ang atensyon ko pababa. Hindi ko na namalayan na ang dami na pala namin nang makalabas ng building! Halos lahat ng nakasalubong naming mga kaklase ay naaya.

"Teka lang, bili lang ako ng fishball," paalam ni Shanice at dumiretso roon.

"Kuya Jun-Jun! Miss na namin ang kwek-kwek mo!" bati ng grupo ni Kiel.

Napalibutan na ng mga kasama ko ang cart ni manong para magtusok-tusok ng mga order nila.

Pinapanood ko lang sila nang lingunin ako ni Kiel at abutan ng plastic cup at stick. Naiwan pa ang mga mata ko sa kaniya bago iyon tinanggap. Wala naman siyang sinabi, lumipat lang ang tingin sa gilid tapos ay bumalik sa cart.

Pinanood ko siyang abutan din ng cups at sticks sina Sofia at Honey na nakamasid lang din. "Oh, eto lalagyan."

Tinanggap nila iyon tapos ay nilaglagan ni Kiel ng tiglilimang piso ang bawat cup nila. "Upo kayo sa gilid para mas maraming limos."

Hinampas siya ni Honey at tumawa. "Kingina mo kala ko manlilibre!"

"Nasayo class funds, papalibre ka pa."

Sofia laughed. Natawa rin si Honey at bahagyang tinulak ang balikat ni Kiel nang talikuran sila nito. Kiel chuckled.

I looked away and folded my arms.

Kita kong lumapit sila Honey at Sofia sa cart para palitan ang cups. Aalis na dapat ako sa crowd nang bumungad ulit si Kiel at nagbukas ng wallet sa harapan ko.

"Pag sa 'yo 1k." Akto siyang maglalaglag ng isang libo sa cup ko at tumawa nang magtama ulit ang mga mata namin.

My lips pouted a bit. Nilampasan ko siya para makitusok-tusok na rin ng fishballs.

"Hala guys! Nasa room daw si Mrs. Cruz!" Sabay-sabay kaming napalingon sa sumigaw na si Dianne. May fishballs pa siya sa bibig.

"Gagu."

"Legit ba? Hahaha."

"Eleven lang daw sila sa room ngayon!"

Napahinto tuloy ako sa pagtutusok ng fishballs at kinabahan.

Napabalik lang ang tingin ko sa cup nang maramdamang may maglagay doon. Nag-angat ako ng tingin kay Kiel na tila hindi alintana ang balita, nagtataktak pa ng mantika sa fishball para ilagay sa cup ko.

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon