10.16.19 - Pile of Realizations

87 3 0
                                    

Pile of Realizations
10.16.19

I really am manipulative . . . It's scary . . .

I look down on people . . . It's disgusting. . .

Ang sakit marinig ang kumpirmasyon, mula pa kay Kiel. Magaan lang ang paraan niya ng pagkuwento sa akin pero ramdam ko ang bigat sa part niya. At iyon ang pinakamasakit.

"You saw through me right away. . . Alam mong gano'n ako. . . Bakit ka pumayag makipagrelasyon sa 'kin?"

"Mahal kita eh," simpleng sagot niya. "Atsaka lahat naman tayo may toxic traits. So why would I take yours against you? You're more than that. Nakita ko 'yun nung nakilala na kita."

Hindi maganda ang pakikitungo ko sa kaniya pero sinubukan niya pa rin akong kilalanin. . .

"You knew. . . Why didn't you tell me?"

"Okay, mali ako sa part na 'yan," he admitted.

Umiling ako dahil hindi niya naman obligasyon 'yun.

"I'm sorry, hindi ko alam paano sasabihin. Ayaw kong masaktan ka. Atsaka hindi ka naman na katulad ng dati."

Umiling ulit ako. Gano'n pa rin ako. Maybe he just didn't notice.

"I'm sorry. . . I'm sorry for being maldita sa 'yo . . ."

Umiling siya. "Natatawa na lang ako ngayon. Atsaka okay lang kaya, cute ka naman."

"Sus."

"Huwag mo babaguhin 'yan, ha? Gusto ko masungit ka pa rin sa akin kahit girlfriend na kita." He chuckled. "Pero malaking katanungan pa rin sa akin kung bakit sa akin lang mainit dugo mo dati? Ano 'yung nagawa ko sa 'yo na naoffend kita? Wala pa ring sagot. Saan ba nagstart?"

Umiling ako dahil wala talaga. Wala siyang ginawang masama sa akin.

"Binasa mo ba 'yung journal ko?"

He pressed his lips together.

I sighed. "I'm sorry. . ." Napaiwas ako ng tingin at nagtakip ng mukha. "Nakakahiya. . ."

"Grabe 'yung pagsumpa mo sa 'kin ha, ang expensive. Sa amin kasi, mamatay ka na, mamatay ka na lang eh. 'Yung sa 'yo kailangan ko pang i-Google meaning."

Natawa ako kaunti.

"Iiyak na dapat ako. Buti na lang naalala ko na girlfriend na kita."

I lifted my eyes at him and made an inverted smile. Nasaktan siya. . . "Sorry. . . M-Matagal na 'yun. . ."

"Joke lang gagi. Tuwang-tuwa kaya ako. Alam mo kung bakit?"

"Bakit?"

"Puro tungkol sa 'kin sinulat mo." A ghost of a smile appeared on his lips.

". . ."

He grinned.

"Hindi," I denied.

"Siguro 80% Kiel.

"Sorry kung nabasa ko. Ano lang naman, skim lang. Nacurious lang kasi ako. Pagkabuklat ko nung papel, may Kiel. Ta's chineck ko 'yung iba. Halos lahat gano'n."

I paused. And my face slowly heated when I realized he was right.

Oo nga! Kasi hindi naman ako araw-araw nagsusulat noon! Kapag feel ko lang!

What the hell! So feel ko lagi magsulat kapag naka-interact siya?!

Dinampot ko ang journal at chineck.

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon