08.10.18 - Crackpot!

357 38 15
                                    

Crackpot!
08.10.18

May mga tao talagang komplikado. Gaya ng mga kaklase ko.

Gustong grumupo sa akin para mataas ang makuhang grades pero willing naman magsettle sa mediocre output.

"Avien, pupunta kasi kaming probinsya. Sa bahay ko na lang ishushoot 'yung part ko. Isesend ko na lang sa 'yo."

Wala na akong nagawa dahil hindi na niya ako pinagsalita.

I composed myself.

Okay. Then, I'll take your role.

"Ulitin natin ishoot mga scenes ni Sofia. Ako ang papalit," anunsyo ko.

"Ano na role niya?"

Nagkibit-balikat ako at pinakilos na ang lahat dahil maghahabol kami.

I quickly memorized the lines. Naging madali na lang sa akin dahil ako naman ang nagsulat at alam ko kung paano dapat ideliver ang bawat linya.

I also demanded the other actors to memorize their lines by heart so we could finish early. Pinili ko nga sila kasi alam kong matino silang umarte kaso masyado silang kampante at kumpyansa!

"Three days na lang! I-e-edit pa 'to! Dapat matapos na ngayon."

Tahimik na lang ang mga kasama ko habang pinipilit kong kumalma dahil alam kong walang silbi ang frustration.

"Okay. Action."

Pinanood ko silang magsimula ulit. Seryoso na ang lahat, wala nang tumatawa at tahimik na. Hanggang sa finally ay natapos din ang shoot namin.

May time pa at absent ang next subject teacher kaya dumiretso akong library dala ang baon kong laptop. Kinopya ko roon ang file sa camera ni Kiel.

Maya-maya ay may umupo sa tabi ko. Hindi ko inaasahang si Kiel iyon. Tahimik lang siya at mukhang manonood lang. Hinayaan ko na lang at nagfocus sa ginagawa.

C-in-ompile ko ang clips at pinagsunod-sunod na bago nagproceed sa technical editing.

I felt frustrated along the process as my computer and editing knowledge were very limited! I only knew the basics! Nafufrustrate akong hindi ko ma-execute 'yung na-i-imagine ko dahil hindi ko na alam paano i-navigate 'yung software!

I glanced at my watch. Mayroon pang 30 minutes.

Nilingon ko si Kiel na pasimple na palang nagcecellphone sa tabi ko. Nasa ilalim ng lamesa para hindi halata.

"Bakit ka ba nandito?"

Hindi niya ako sinagot. Hindi ata narinig dahil busy sa nilalaro.

I just pushed my laptop aside and rested the side of my head on the table, tired.

"Tulong sana ako mag-edit," ani Kiel habang nagpipindot pa rin sa phone. "Kaya mo naman na pala."

". . ."

"Tapos na ba?" Nilingon niya ako.

Pumikit lang ako, hinihila ng antok. Ramdam kong kinuha niya ang laptop ko pero wala na akong enerhiyang bumangon.

I dozed off to sleep.

"Anong ginagawa mo?" Napabangon ako matapos maalimpungatan at makita si Kiel sa harapan ng laptop ko.

He took his hands off my laptop, surrendering. "Sorry."

Binawi ko iyon sa kaniya. I ran my fingers through my hair and rested my temple on my palm as I groggily checked my screen.

My eyes narrowed, noticing the new filter. I played the video but couldn't hear anything until Kiel inserted an Airpod on my ear.

Napaayos ako ng upo at unti-unting nawala ang antok habang pinapanood ang video. Nagmukhang film talaga ang video dahil sa filter. Mayroon na ring transition sa unahan at mga background music at effects na nag-emphasize ng genre ng film.

"Nakasave pa rin naman diyan 'yung gawa mo," Kiel noted.

"You're an editor." Nilingon ko siya.

"Nagandahan ka?"

"Parang movie talaga!"

He smirked proudly and slowly folded his arms against his chest.

"Kaya mo ba 'yung parang magcacrack from here . . ." Pinaliwanag ko ang gusto kong mangyari. Sinubukan niya iyon.

"Hindi ganiyan. Iyong parang unti-unting magcacrack." Kanina pa ako paulit-ulit pero hindi niya nakukuha ang gusto ko.

"Crack na nga 'yan."

"Ang pangit."

"Kanino kayang idea?" he mumbled.

"Hindi naman ganiyan ang sinasabi ko."

"Ba't ka galet?"

"Hindi ako galit. Hindi mo kasi magets."

"Edi ikaw na gumawa." Binitiwan niya ang laptop. "Crack ka nang crack. Pangit naman."

Nagpantig ang tainga ko. "Umalis ka na nga!"

"Shhhhh~~~" suway ng librarian.

Mahina pero padabog kong inayos ang upuan habang nagmartsa na rin paalis si Kiel.

"Crack lang hindi pa magawa," bulong-bulong ko.

"Airpod ko," singil niya pagdaan ko sa pwesto niya nang makabalik ako ng room.

I glanced back at him, annoyed. Binato ko iyon sa kaniya. Sinalo niya, muntik pang malaglag. He lifted an irritated gaze at me.

Hindi ko na siya pinansin at bumalik na lang sa upuan.

I finished editing our output alone. Pinagpuyatan ko na. Kaunti na lang naman ang gagawin dahil sa mga details na nadagdag. Sa huli ay hindi ko na-execute ang naiimagine kong crack kaya inenhance ko na lang 'yung gawa ni Kiel.

* * *

July 18, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version)Where stories live. Discover now