02.11.19 - Dawning on Me

219 31 4
                                    

Dawning on Me
02.11.19

The next week, wala akong ganang pumasok. Ni bumangon ng kama. Pero kailangan ko pa ring pumasok lalo pa't may quiz kami.

Sa school, pansin kong nag-iba bigla ang environment. Hindi ko alam kung matagal na bang ganito pero ngayon ko lang naramdaman . . .

Walang pumapansin sa 'kin.

"Where's Mr. Santillan?" tanong ng adviser namin.

I glanced at Kiel's empty space.

"Absent po, ma'am."

"Kaya pala. Okay, get I/4 sheet."

Naglabas ako ng 1/4 sheet. Nagsimula ang mumunting ingay mula sa hingian.

Ngayon ko lang napansin. Wala na palang nanghihingi sa akin ng papel.

* * *

July 22, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version)Where stories live. Discover now