04.15.19 - Selfish Choice is Not a Choice

205 33 4
                                    

Selfish Choice is Not a Choice
04.15.19

"Anong sabi ng mommy mo, Avien?" panghihingi ng update ni Tita nang makarating para sunduin ulit ang kambal. Nagpaplano kasi silang pamilya mag-outing at inaaya kami ni mommy.

"Bawal daw si mommy. May trabaho."

"Hay nako! 'Yang mommy mo talaga!"

"Try niyo po kausapin."

"Hindi naman nakikinig 'yang mommy mo. Papatayin niya sarili niya kakatrabaho. Puro na lang trabaho. Kita mo ikaw tuloy, palagi kang walang kasama rito. Dapat maghanap na lang siya ng work from home."

Hindi na lang ako nagsalita.

"Ikaw na lang ang sumama, Avien," ani Tita.

"Hindi na lang ho. Wala pong kasama rito si mommy."

"Kaya naman na ng mommy mo rito."

Umiling ako.

"Mag-isa ka lang dito, Avien. Isang buwan kami roon."

"Uuwi naman si mommy, Ta."

Napailing na lang si Tita at bumuntong-hininga. "Kung magbago ang isip mo, mag-impake ka lang. Dadaan naman kami rito bago umalis."

Tumango ako at umiwas ng tingin. I sighed.

*  *  *

July 26, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon