10.23.19 - Play Pretend

94 1 0
                                    

Play Pretend
10.23.19

I wasn't the confrontational type but I'd been meaning to discuss with Kiel whatever problem we had. But how would that be possible if he keeps denying that there is even one?

All I could do was to hope that the problem would solve itself. Sana gano'n na lang kadali iyon.

I sighed upon seeing his smile and hearing his laugh from the back.

Aminado akong nahihirapan akong basahin siya. Hindi ko alam. He's unpredictable. He has his own ways. Pero sigurado ako ngayong may problema kahit pa ngiti-ngitian niya ako.

The mood I felt at their home? Tita Kylie not smiling at me and almost ignoring Kiel? Kiel not being touchy? May mali!

"Uyy Avien, baka matunaw!"

Napunta ang atensyon ko sa mga kasama nang marinig ang pangalan ko.

Erin giggled. Ngumisi si Shanice at tumawa naman si Nathan. Nag-init ang pisngi ko nang marealize na nakatitig pala ako kay Kiel.

Lumunok ako at nagpanggap na nagpapatuloy na sa ginagawa.

Wala na palang gagawin! Natapos na namin ang PT! Nagkukwentuhan na lang sila!

Nagpanggap akong magsusulat.

"Alam mo matagal na 'kong may napapansin sa inyo ni Kiel ha." Ang lakas ng boses ni Dianne! "MU kayo noh?!"

"Crush ata siya ni Kiel. Inaasar nila Jai."

"Kaya nga! Ang obvious na!"

"Crush din ata ni Avien eh, ayiiee~~" Sa pang-a-asar nila, napalingon na sa amin ang iba. Pati sila Kiel.

Gusto ko na lang mapasapo ng mukha, nahihiya sa atensyon.

"Hmm. Parang sila na nga?" Gumatong pa si Nathan!

"Waaah!! May jowa na si Kiel!"

Hanggang sa sumali na sa pang-a-asar ang mga kaibigan ni Kiel.

"Hooy! Hindi kami!" tanggi agad ni Kiel, napababa pa sa inuupuang desk.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

My eyes narrowed.

Ah todo tanggi ah?

"Ay si defensive."

"Soon daw!"

"Hindi ko maimagine. OMG."

"Kayo, Avien?" someone asked, genuinely curious. Mukhang gulat pa.

Napaiwas na lang ako ng tingin at mahinang umiling.

"Di ba si Harvin jowa mo?"

Napabalik ako ng tingin agad. Lumakas pa ang ingay.

"Hindi," I replied with conviction. "Hindi kami. Please."

"Ay, sorry."

Namatay na rin naman ang panunukso dahil nakaramdam na si Nathan at pinatigil ang mga kaklase.

"Tara, magpasa na tayo." I stood up and smiled a little at my groupmates. Nagtulong-tulong kami sa pagbubuhat ng proyekto.

Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin mula sa likuran pero hindi ako bumaling hanggang sa makalabas na kami.

"Finally natapos din natin! Celebrate tayo mamaya!" masiglang aya ni Erin pagkalabas namin ng faculty.

"Taraaa!"

"Movie marathon kila Ailene!!"

"GG!!"

"Pwede sainyo Ai?"

"Sige lang."

"Yehey!!"

"Sama ka Avien?" Lumingon silang lahat sa akin.

May lakad kami ni Kiel mamaya at bigla akong nagkaroon ng urge na hindi tumuloy.

I smiled a little at the group and nodded, confirming my attendance. Binalik ni Erin ang ngiti ko at nagsimula na silang magplano sa panonoorin namin.

Sa doorway ay nakatambay ang grupo ni Kiel. Our eyes met as I crossed our distance. Umiwas din ako ng tingin at nilampasan siya para tuluyang pumasok.

I sat on my seat, waiting for the next subject teacher.

"Hindi ko alam kung bakit nila iniisip na girlfriend kita eh ang taray-taray m---"

Sinamaan ko ng tingin si Harvin na bigla-biglang nagsasalita. He made face.

"Parang lugi ka pa ha," sambit ko.

Natawa siya at napailing.

Bumalik na ang atensyon ko sa notebook.

"Feeler amp," bulong-bulong niya pa. I chuckled.

My phone suddenly vibrated in my pocket. I took it out and read the message from Kiel.

love:
okay ka lang?

Ako:
Yes.

love:

sorry kanina ☹️ alam na ba nila?

Ako:
I don't know. Nakakahalata.

love:
sorry sila jai kasi eh!!

Ako:
Okay lang.

love:
bat ba sila bigla nang-asar?

Ako:
They caught me looking at you

love:
😯😳

bakit?

why r u lookin at me miss?!

weirdo?!

creepy as hell

Napanguso ako para pigilan ang ngiti.

Nagseryoso ulit ako.

Ako:
Hindi ako makakatuloy mamaya. Manonood kaming movie kila Ailene.

love:
wooooooowwwww

oki babyy enjoooyyyy

update mo me mamaya

Napataas ang kilay ko.

Ganun lang 'yun? Wala man lang sad and crying emojis? Natuwa pa siyang hindi kami matutuloy?

I squeezed my phone and shove it in my pocket.

Fine, Kiel! Fine!

*  *  *

January 15, 2024


sorrry, guys, sa irregular updates and sorry kung maikli lang ito huhu I'll try my best even mooore in writing #newyearsresolution

Happy New Year by the way!!

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα