03.04.19 - Meat and Lettuce

225 31 6
                                    

Meat and Lettuce
03.04.19

"Kiel, tabi raw kayo ni Pia!" tukso ng mga kaklase ko habang papasok kami ng samgyupsalan.

"Tabi kami ni Avien eh!"

Dumaan ang katahimikan. Napapikit ako sa hiya habang ramdam ko ang iilang tingin.

"Magjowa ba kayo?" malisyosong tanong nila, kami naman ang tinukso.

I cringed.

"Hindi ah," tanggi ni Kiel.

Halos masakop namin ang buong shop. Naghanap na agad ako ng table. Nang wala nang ibang lamesa ay umupo rin sa table ko ang ibang kaklase, kasama na roon si Harvin. He sat beside me. I furtively glanced at his sleeved arm. 

"Tel, oh, dito ka." Umalis sa tabi ko si Kiel at binigay ang upuan kay Kristel.

Pinanood ko siyang makisiksik sa lamesa nila Hanz. Umusog naman ang mga ito para makaupo siya.

Nang magsimulang magserve ang crew ay tahimik lang ako, pati habang nagluluto na, habang nagkukwentuhan naman ang mga kasama ko at maya-maya'y nagpicture pa.

Tahimik lang din sa tabi ko si Harvin pero kinakausap nila.

Tuloy-tuloy lang ang pagluluto ko at nilalagay iyon sa isang lalagyan para kumuha sila.

Napahinto lang ako nang may maglagay ng meat sa bowl ko. Napalingon ako kay Harvin na nagpatuloy lang naman sa pagkain at hindi na ako binalingan.

"Sige, ako na," pigil sa akin ni Jane.

Ilang segundo pang nanatili ang tingin ko sa kaniya bago dahan-dahang sinimulan ang pagkain ko. Tahimik akong kumain at nakinig lang sa kwentuhan nila.

*  *  *

July 26, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon