11.07.19 - A Lost Cause

80 2 1
                                    

A Lost Cause
11.07.19

"Bakit ngayon ka lang?" bungad ni mommy.

Sinundan niya ako ng tingin habang dahan-dahan akong lumalapit.

"M-May pinuntahan kami, mi. . ."

"And?" Lumipat ulit ang mga mata niya kay Kiel.

"Good evening po." Lumapit si Kiel kay mommy. "Pasensya na po ginabi siya. Nagkayayaan lang po kaming magkakaklase kanina. . ."

Mom's eyes lingered at Kiel which made him bow down his head. Bumalik ang mga mata sa akin ni mommy, naghihintay ng sasabihin ko. I pursed my lips together, couldn't find my words.

Nilingon din ako ni Kiel. Tumagal ang titig ko sa kaniya at napansin ang takot sa mga mata niya.

I opened my mouth, attempting to say something but no words came out.

I felt so guilty right now. Pakiramdam ko nahuli ako sa isang malaking kasalanan at dead end na, hindi ko na maipagtatanggol ang sarili ko.

"Magkaibigan lang po kami ni Avien," pagbasag ni Kiel ng katahimikan. "Kung ano man po ang iniisip niyo, hindi po totoo 'yun. Hinatid ko lang po kasi gabi na. Pasensya na po."

Umawang ang mga labi ko. Mommy just watched my reaction. She didn't speak, as if waiting for me to say something.

"O-Opo, mi. . . Hinatid niya lang ako. . ."

"Huwag po kayong mag-alala, may boyfriend po ako." Kiel managed to chuckle.

I couldn't even smile.

"Sige po, una na 'ko." Nilingon ako ni Kiel. Hinanap ko ang mga mata niya but he couldn't even look at me. "Bag mo, beh." He made me wear my backpack before glancing at my mom again. "Una na po 'ko, Tita. Pasensya na po. . ."

He walked away. Pero iilang hakbang pa lang ay lumingon ulit siya. "Ah. . . Huwag niyo pong papagalitan si Avien, please. . . Hindi lang po namin namalayan ang oras. . . Hindi na po mauulit. Huwag po kayo mag-alala, papaalalahan ko na 'tong kaibigan ko."

Pinanood kong maglakad palayo si Kiel. My lips pursed as I tried to contain my tears.

"Pumasok ka na," basag ni mommy sa katahimikan.

Narinig ko ang pagbukas ng gate.

"Avien, pumasok ka na."

"Mi." I wiped the escaped tear that fell on my cheek. I breathed in and faced my mom. "He's Kiel."

She returned an intimidating gaze.

"M-My boyfriend."

I wiped another tear that escaped my eye. I didn't understand why it was so hard for me to admit that  to her.

I watched her expression turn into a mix of annoyance and disappointment. My lower lip trembled.

"Boyfriend? How old are you? 16?"

I chuckled sarcastically and looked up to stop more tears from streaming down. I just knew, I just knew from the start that she wouldn't ever agree to this.

"Ang bata-bata niyo pa para sa ganitong bagay, Avien! Kaya ba late ka palaging umuuwi ha? Hindi ka man lang nagpapaalam sa akin? Kung saan-saan kayo nagpupunta ng lalaking 'yon?"

Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko at si Kiel pero ang hirap-hirap humanap ng salita kapag si mommy ang kaharap ko.

"Pumasok ka sa loob," utos niya.

"Mi. . ." I felt so frustrated as I couldn't communicate our truth. Patuloy lang ako sa pag-iyak.

"Hindi kita kailanman pinagbawalan makipagkaibigan. Lumabas ka, sige. Pero magpapaalam ka sa akin. Sa mga paalam mo, naniwala akong kaibigan ang kasama mo. Hindi ako nagtanong, pinagkatiwalaan kita. Tapos malalaman kong ganito, Avien, ha? Anong nangyayari sa 'yo?"

Napahagulgol ako at nagtakip ng mga mata.

"Huwag mo akong iiyakan. Ikaw ang may kasalanan, Avien. Own up your mistakes.

"Hindi ka naman ganito dati. Ngayon, para sa lalaki, magsisinungaling ka sa akin? Kailan pa, ha? Kailan mo pa boyfriend 'yon?"

Umiling ako.

"At wala ka man lang balak sabihin? Kung hindi pa kayo mahuhuli?

"Simula bukas, uuwi ka pagkatapos na pagkatapos ng klase mo."

Umiling ako.

"Sa ayaw at sa gusto mo. Pumasok ka na sa loob."

Umiling ulit ako. Patuloy na nagpapatakan ang mga luha ko.

"Ngayon nagmamatigas ka? Ganiyan ba ang natututunan mo sa lalaking iyon? You lie, make excuses, disobey me. Ngayon, iiniyakan mo nang ganiyan. Nakikita mo ba ang sarili mo ngayon, Avien, ha?

"Pati grades mo bumababa. Kaya pala. Walang katuturan pinagkakaabalahan mo. Anong nangyayari sa 'yo?"

"Walang katuturan?" I sounded so frustrated as I lifted my eyes at her again. "Ngayon nga lang nagkaroon ng katuturan ang buhay ko."

"My gosh, Avien! Are you hearing yourself? Ang bata-bata mo pa!"

"Mi, bakit mo ba binibring up ang edad ko eh kahit kailan naman, hindi ko naranasang maging bata!"

Her jaw clenched at my sudden raise of voice.

"Alam ko ang ginagawa ko . . . Alam ko ang tama't mali. Hindi ako bata. . ."

"Hindi ka bata, ha? Ano 'yang ginagawa mong paglilihim sa akin at pagsisinungaling? Gawain ba 'yun ng may isip?"

I wiped my tears. "Bakit, mi, nagtanong ka ba?

"Akala mo ba, mi, ginusto kong hindi magsabi? Hindi ko lang kaya. Hindi ko alam kung paano kasi nasanay akong sinasarili lang lahat."

"Ayun na nga ang problema, Avien, eh! Sinasarili mo palagi! Parati kang hindi nagsasabi sa akin! Hindi ko man lang alam ang nangyayari sa buhay mo!"

"Eh bakit. . . nangamusta ka ba?" ani ko sa maliit at nababasag na boses.

Napahinto siya at dumaan ang sakit sa mga mata.

"Hindi mo ba alam, mi, gustong-gusto kong magkwento sa 'yo tuwing nakakaperfect score ako sa school. Tuwing top 1 ako, gustong-gusto kong ikwento sa 'yo na hindi naging madali sa akin iyon. Pinaghirapan ko 'yon, mi, hindi gaya ng akala mo. Pero hindi ko magawa kasi wala ka namang pakialam. Palagi kong naaachieve kaya wala na lang sa 'yo, 'di ba? Pero ni isang beses, mi, bakit hindi mo man lang sinabing congrats, na ang galing-galing ko. Ang consistent ko. Na deserve ko lahat ng iyon. Kahit isang beses. . . Kahit iyon lang . . ." My voice cracked.

I wiped my tears with the back of my hand. "Hindi mo ba alam, inggit na inggit ako sa kambal. Kasi kahit gaano pa ka-busy si Tita, may oras pa rin siya sa mga anak niya. Kahit sa akin. Pero ikaw? Mi, araw-araw kitang kasama sa bahay pero bakit halos buong buhay ko pakiramdam ko mag-isa lang ako?" Napahagulgol ako.

"P-Porket hindi ako nanghihingi at naghahanap, hindi mo rin binigay. . . Porket kaya ko ang sarili ko, hinayaan mo na lang din ako. . . H-Hindi ko naman ginusto maging gan'to . . G-Ginawa mo 'kong ganito. . ."

Pinalis ni mommy ang mga luhang lumandas sa pisngi niya.

Ang bigat na ng mga paghinga ko dahil sa labis na pag-iyak.

"Pumasok ka na sa loob," ang tanging sinabi niya at iniwan ako sa labas.

Lumakas ang hagulgol ko at napaupo na lang sa sahig.

From that moment, I lost all the hope I didn't realize I had in her and our relationship.

*  *  *

January 22, 2024

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon