08.28.19 - New Friend

135 29 0
                                    

New Friend
08.28.19

"Samgyup na tayo, guys!"

"Dalian niyo, Samgyup! Chat niyo sa GC!"

"Kita na lang sa lobby!"

Umingay na ang room.

"Tara na, guys!"

"Harv! Sama kayo!" Inaya ang katabi kong si Harvin pero hindi siya kumilos.

Unti-unti ay naubos ang mga tao sa room. Tulala lang ako sa desk ko.

"Hindi ka sasama?" tanong ni Harvin.

Mahina akong umiling. Tuluyang naubos ang mga tao sa room pero nanatili siya sa tabi ko.

Napalingon ako nang umupo sa kabila ko si Kiel.

My lips parted when I saw the bandaid near his eyes.

"Nasugat lang. Okay na, maliit lang," he told me.

". . ."

"Perfect daw tayo!"

Napaiwas ako ng tingin.

"Dahil sa 'yo 'yun!" He leaned over a little. "Thank you, leader," bulong niya.

My eyes stung.

"Samgyup daw. Bakit nandito pa kayo?" tanong niya.

"May sasabihin ako sa kaniya," sagot ni Harvin.

". . ."

Napabaling ako sa kaniya.

"Pwede ba kitang makausap?" he asked me. "Ikaw lang."

". . ."

Gusto niyang ako lang ang makarinig kaya naisip kong personal ang sasabihin niya. May problema ba siya?

"Okay lang?"

Tumango ako.

"Anong sasabihin mo sa kaniya?" Kiel butted in.

Hindi sumagot si Harvin.

"Love." Napalingon ako sa tawag ni Kiel.

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong halikan sa labi.

"Hintayin kita," aniya pagkabitiw. Masungit ang mga mata niya. He glanced at Harvin before leaving.

Umakyat ang dugo sa mukha ko. Paglabas niya ay binalot ng katahimikan ang room. Hindi ako makatingin kay Harvin.

"A-Anong sasabihin mo?" pagbasag ko ng katahimikan.

". . ."

". . ."

"Gusto kita," sambit niya.

Nalaglag ang panga ko't napalingon sa kaniya.

What . . . the fuck

"Gusto kita," he repeated so casually.

". . ."

Wala akong masabi.

I tried to find the right words to say.

Sa huli ay napatikom ako ng bibig.

Okay, I wasn't expecting this! Ang akala ko naman ay may kinalaman sa mental health niya ang sasabihin niya kaya pumayag ako kahit naririnig ni Kiel!

"Alam kong kayo ni Kiel. Halata naman."

Alam niya naman pala?!

"Pero gusto pa rin kita."

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version)Onde histórias criam vida. Descubra agora