10.17.19 - Sick Kiel :(

90 2 0
                                    

Sick Kiel :(
10.17.19

Sa huli ay lahat sila pumayag sa anyaya ko! Natuwa ako masyado, pati si Nathan, inaya ko na rin!

Gusto kong magpasalamat sa boyfriend ko! Dahil kung hindi niya ako spinonsoran ng maraming pagkain, hindi ko magagamit ang allowance ko sa ibang bagay!

Hinanap ng mga mata ko si Kiel, excited magbalita!

My smile widened when I saw him sleeping at the back, resting his head on Matthew's shoulder. Nakahoodie siya, suot pa ang hood, ang amo ng mukhang natutulog habang naggugupit ang sinasandalan niya.

Sabi ko mamaya ko na lang siya kakausapin. I just wanted to watch him sleep. But I met gaze with Rain. He motioned his hand on his forehead and pointed at Kiel.

My brows furrowed. Agad akong tumayo at lumapit. Napatingin sa akin sina Rovin at Jairelle, siniko pa ang ibang mga kaibigan para inguso ako. Na kay Kiel lang naman ang tingin ko.

"May sakit," sabi sa 'kin ni Jairelle. Umalis pa talaga siya sa kabilang tabi ni Kiel para makadaan ako.

Naalimpungatan agad si Kiel bago pa man ako makalapit. He looked at me with his heavily-lidded eyes. Tapos ay napabaling siya sa paligid.

Bumaling ako sa mga kaibigan niya. Umiwas sila, sumipol-sipol, nag-aktong walang nakikita.

"Avien," mahinang bati ni Kiel, umayos ng upo.

". . ."

". . ."

"Kiel."

"Po?" There was a ghost of a smile on his face.

Tumagal ang titig ko sa kaniya. I closed my fist inside the pocket of my jacket, wanting to touch him. "Uminom ka na ng gamot?"

Nag-init ang mukha ko nang biglang mag-ayiee nang mahina ang mga kaibigan niya.

Sinamaan ni Kiel ng tingin ang mga kasama bago bumalik ang mga mata sa akin. "Okay lang ako. Tapos na kayo sa PT niyo?"

Hindi ako sumagot. Nang dumampot ng gunting si Kiel para makitulong sa ginagawa ng grupo ay binawi ko iyon sa kaniya at nilapag sa lamesa.

"Clinic," sabi ko at nauna nang tumalikod. Naglakad ako palabas ng room.

Sumandal ako sa pader sa tabi ng pinto habang hinihintay siya.

Pagkalabas ni Kiel ay napansin ko ang palapit na grupo ng tatlong babae na nagsisikuhan sa isa't-isa. Naunang kumaway ang isa.

"Hello po," bati nila kay Kiel kaya napalingon ito.

"Cutting," biro ni Kiel sa grupo.

The girls giggled and shook their heads. "Nag-CR lang po!"

"Eto po, gusto lang kayo ma---" Tinakpan ng isang babae ang bibig ng kaibigan niya.

"Babye po," paalam nila. Nang makita ako ay pansin ko ang pagdadalawang-isip sa mga mukha nila kung ngingitian ba ako o hindi.

I smiled at them. Their faces lit up as they smiled back at me. Nilagpasan nila kami at kita ko pang naghagikgikan sa isa't-isa habang naglalakad palayo.

"Tayo pala ang cutting," ani Kiel kaya napalingon ako sa kaniya.

Umiling ako dahil wala namang teacher. Iminuwestra niya ako na maunang maglakad.

Lumingon-lingon ako sa paligid at napangiti nang makitang wala nang nakatingin.

Nilagay ko na ang braso ko sa baywang ni Kiel. I looked up at him and smiled cutely when he turned his head at me.

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon