09.27.19 - Panic Attack

141 28 0
                                    

Panic Attack
09.27.19

"Bakit ba ayaw mong ipaalam sa iba?" tanong ni Harvin nang magkwento ako.

"Eh sabi ko kasi noon, huwag. May mini contract pa nga kami."

"Pride mo papatay sa 'yo."

Inirapan ko siya. Akala mo siya hindi mapride.

"Kung ako sa 'yo, itago mo lang. Masakit kasi sa mata."

"I don't care about your eyes."

He made a face.

Pakiramdam ko nakamove on na sa akin si Harvin dahil inaapi na lang namin ang isa't-isa.

Minsan kapag walang masyadong tao ay lumalapit na sa amin si Kiel para sumama. At hindi na palaging mukhang naghahanap ng away si Harvin.

Napalingon ako sa pinto nang pumasok na ang ibang myembro ng club, including Kiel na nakikipag-usap pa kanina.

Umupo si Kiel sa malayong upuan. I tapped the chair beside me when our gaze locked. His brows raised, unsure. Tinapik ko ulit ang katabi kong upuan.

Lumipat din siya sa tabi ko. I held his hand under the table. Napalingon siya sa akin pero hindi ko binalingan.

"Tabi tayo, bebe." Tumabi sa kabila niya si Kuya Richard a.k.a Ate Rachelle at kumapit pa sa braso at pabirong hiniga ang ulo sa balikat niya.

Nagkatinginan kami ni Kiel. Umiwas ako ng tingin, natatawa. Pero hindi ko binitiwan ang kamay niya.

"Nabalitaan niyo na? Nawawala raw class fund." Napalingon kami kay Ailene na kakaupo lang sa tapat namin.

I sighed. Hindi na natapos-tapos 'yan. Buti na lang wala na akong position sa klase.

"Anyare?" Kiel asked.

"Uh . . . Ewan ko . . . Narinig ko lang sa taas." She averted her gaze from Kiel.

"Okay, start na tayo, guys!" anunsyo ni Ate Alyza.

"So napagplanuhan with Miss Fran na mag-gu-grupo-grupo tayo to raise awareness for Mental Health. Some will write pubmats, merong gagawa ng articles, and meron din magcoconduct ng interviews and reports. Ayaw naming maging mabigat sa inyo 'to, guys, kaya group activity. No pressure, okay? No grades. Just enjoy, learn and reflect along the process, oki, mga bebe?" She smiled at us.

Napangiti rin ako.

I shifted my gaze at Kiel when he tugged my hand. Nginuso niya ang katabi kong si Harvin. At nang tignan ko ay napansin kong nakayuko lang siya at pinagpapawisan.

"Harv, okay ka lang?"

". . ."

"Harv."

". . ."

My eyes slid down his clenched hand.

I shifted from my seat.

"Ah . . . Ate! Excuse me po," I gestured out.

Hinila ko si Harvin palabas at dinala sa tahimik na hallway.

Napahawak siya sa dibdib niya, hinahabol ang hininga. He sat on the ground and turned into a ball.

I calmed myself and sat down in front of him.

"Anong nangyari?" dinig ko ang boses ni Kiel.

"Harvin," mahinahong tawag ko sa kaniya. "Tingin ka sa 'kin."

He looked up at me.

"Hingang malalim, hm? Breathe in . . . out . . ."

We heard more footsteps. Napabaling si Harvin at yumuko, hiding from people.

"Anong nangyayari?" nag-aalalang tanong ng senior. Nakita ko ang iilan pang palapit.

Napatayo ako, pinigilan na sila. "Panic attack po, I think. Sorry pero . . . Ayaw niya ng nakikita ng iba . . ."

Napatango sila at nagtagal pa ang tingin kay Harvin bago unti-unting umatras. "Sige . . . Kailangan ba ng medic?"

"Tatawag po ako if need."

Tumango sila at unti-unting naglakad paalis. Pinigilan na nila ang iba pang lalapit.

"Kailangan ko rin bang umalis . . ." tanong ni Kiel.

Umupo ulit ako sa harap ni Harvin. "Harv, gusto mo bang mapag-isa?"

". . ."

When I was about to stand, he looked up and grabbed my arm. "Dito ka lang."

Tumango ako at umayos ng upo. "How's your breathing?"

I held both his arms and helped him with his breathing. Hinintay ko siyang kumalma.

Paglingon ko ay kami na lang dalawa sa hallway.

*  *  *

August 16, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version)Where stories live. Discover now