10.11.19 - Going Back to Normal

142 29 2
                                    

Going Back to Normal
10.11.19

Ako:
Im sorry :(( Gagawa pala kami PT kila Ailene.

Tinext ko iyon kay Kiel nang magdismiss ang klase. Ngayong araw niya kasi ako inayang makipag-usap. Biglaan naman na gagawa kami ng project.

Nilingon ko ang direksyon ni Kiel at kitang hawak na rin niya ang phone niya.

Love:
kami rin pala babe :(( pupunta sila sa bahay
ok lang ba sa vidcall na lang mamaya?

Ako:
Wag. Gusto ko sa personal. Bukas na lang.

Love:
paano ka uuwi mamaya? hanggang anong oras kayo?

"Tara na!" aya nila Erin.

Naglakad na ako, nadaanan ang pwesto ni Kiel habang tinitipa sa kaniya ang detalye.

Nagulat ako nang biglang mapatid. Agad may humawak ng braso ko kaya hindi ako nasubsob.

"Okay ka lang?" Inalalayan ako ni Kiel.

Biglang nagsi-ubuhan ang mga kaibigan niya.

Napabaling ako kay Erin nang iabot niya sa akin ang nabitawan kong cellphone. Nasa screen pa ang mga mata niya. Agad ko iyong kinuha.

"Hindi pala si Harvin boyfriend mo?" she curiously asked.

"H-Ha?"

Nakarinig ulit ako ng maraming ubo.

"Ay, sorry. Nabasa ko kasi katext mo si love." She giggled.

Umakyat ang dugo sa mukha ko.

"Loooveee," I heard the collective sigh.

Hindi na ako makalingon kay Kiel. Napansin ko pa ang simpleng panananggi kay Kiel ng mga kaibigan, tawanan nila, asaran. The girls were looking at them, wanting to laugh. I wasn't sure if they were clueless but they jived in with them.

I felt like at that moment, all the attention was on me. Si Ailene lang ang nakaiwas ang tingin sa lahat.

"Tara na nga! Gugulo niyo!" Nag-aya na ang mga kasama ko dahil sa ingay ng mga lalaki. Agad akong lumabas.

Based on the reactions of the boys, they already know! Walang sinabi sa akin si Kiel pero mukhang may alam na sila dahil sa pang-a-asar! I wasn't sure if the girls took the hint but I could feel their random glances at me on the way out!

"Wait lang, guys, bili muna ako," paalam ni Dianne nang makalabas kami at makita ang nagtitinda ng fishball.

Nakita ko rin sila Rhea at Isha roon. Hinanap ng mga mata ko si Shanice. Nagkatinginan sila ni Ailene bago lumapit din sa cart.

Four of them are group of friends pero oo nga, hindi na nga sila nagpapansinan. My eyes lingered at Rhea. Siya talaga ang kumuha ng 1k ni Shanice?

Naaalala ko nung may nawala rin sa hawak kong class fund, siya ang nakita kong may sinuksok sa bulsa . . .

"Kain muna kayo!" Nilingon kami ni Erin na kumakain ng Kwek-Kwek.

Sa tabi ko ay si Faye na hindi rin pala lumapit.

Dahil hindi naman ako gutom ay hinintay ko na lang silang matapos. Nang makuha ang mga order nila ay nagsimula na ulit kaming maglakad. Walking distance lang pala ang bahay nina Ailene mula sa school.

"Nood tayong movie!" pag-aya ni Dianne nang maka-upo na kami sa sala nila Ailene. Mukhang ako lang ang unang beses pa lang nakakatapak sa bahay nila Ailene dahil parang pamilyar na sila.

"Anong gusto niyo?" tanong ni Ailene. Nakapagbihis na siya at naglabas ng Coke para sa amin.

Si Shanice ay ninanavigate na ang Netflix. Si Faye ay nagcecellphone at si Dianne at Erin naman ay nag-u-usap tungkol sa isang movie.

Nilabas ko na ang mga dala kong gamit, pati ang notebook kung saan mayroon akong sketch ng pwede naming gawin.

"Alin ba rito gagawin natin, 'Rin?" I heard Shanice asked, she was looking at her phone.

"Marami akong sinend na guide, kung anong gusto niyong gamitin diyan."

Natigilan ako sa pagbubuklat ng notebook. I took out my phone to check our group chat. Mayroon na palang sinend doon na pictures ng mga hanging garden na paggagayahan namin.

I pursed my lips and decided to close my notebook but before I could do it, Dianne already saw my work.

"May gawa na si Avien, oh," anunsyo niya.

Saglit nilang tinapunan ng tingin ang gawa ko.

"S-Sorry, hindi ko kasi nakita 'yung sa GC," I explained.

They glanced at me before checking my sketch again.

"Ayan na lang para madali na," ani Shanice.

Wala naman nang kumontra. I felt uncomfortable but when I looked at them, they seemed unbothered. Parang wala lang.

Napalunok ako at nagsimula na lang sa paggawa. Sinimulan ko ang pag-a-outline sa styro habang nagsimula na rin ang movie nila.

"Anong gagawin?" Lumapit sa akin si Faye.

"Ahh . . . Send ko sa GC 'yung sketch." Iyon ang ginawa ko.

Kumuha na rin si Faye ng gagawin. Maya-maya ay lumapit na rin ang iba. Chineck nila ang sketch sa GC.

"Anong pwedeng gawin?" they asked me.

My eyes surveyed the materials. "Ahh. . . pacutter na lang . . ." I gave Erin the styro board.

Tinanggap niya iyon.

"Thank you," I said.

Naghanap na rin ng gagawin ang iba at sinabi ko lang ang pwedeng gawin.

Kalagitnaan ay napansin kong hindi smooth ang pagcucutter sa styroboard. Iniwas ko ang tingin at nagfocus na lang sa ginagawa ko.

"Okay na ba 'to, Avien?" Dianne showed me her work.

I surveyed it. I noticed the rigged edges. "Ahh . . . papantay na lang . . . Thank you."

"'Di ba lalagyan pa naman ng illustration board?"

Napatango ako, naalala iyon. "Sige, okay na pala 'yan. Thank you."

"Itetrace ko na lang dito 'yung illustration?"

I nodded.

"Oki!"

Nakangiti akong nagpatuloy sa ginagawa.

*  *  *

August 21, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version)Where stories live. Discover now