07.26.19 - Bahala Na

168 32 0
                                    

Bahala Na
07.26.19

Ang alam ko rasyonal akong tao eh. Pero pagdating kay Kiel, padalos-dalos ako.

Pero ayoko nang bawiin!

For the first time in my life, nasabi ko sa sariling bahala na.

"Kamusta?" tanong ni mommy. Pauwi na kami ngayon.

"Okay lang . . ." I bit my lower lip and remembered the kiss.

Nilipat ko sa bintana ng sasakyan ang tingin.

Ngayong nababalikan, naisip ko kung gaano pala karidiculous ang nangyari. The series of events was absurd! A rollercoaster of emotions!

First, I felt bored then culture-shocked at the party. Then I felt gloomy. I cried, felt happy. Embarrassed, flustered . . . At ngayon may boyfriend na 'ko!

Boyfriend!

I icked.

Kung may iba mang nakasaksi ng mga pangyayari, hindi ko kakayanin. Ikamamatay ko sa kahihiyan.

Pagdating ng kwarto ay nagbihis ako agad at sumalampak sa kama.

Napatitig ako sa kisame.

"S-Sige . . ."

I grinned, ridiculed at his reply.

Sige rin naman siya!

Parang baliw akong tumawa, naalala ang mga reaksyon niya. Natatawa akong isipin na naguguluhan siya sa nangyayari kasi ako rin!

Para kaming tanga!

Pumikit ako, sinubukang matulog. Pero paulit-ulit na nagrereplay sa akin ang halik! Hanggang ngayon nga ay nararamdaman ko pa rin ang lips niya!

Nafufrustrate akong gumulong sa kama, hindi mapakali.

I checked the time at mag-a-ala una na pala.

Bumangon ako ng kama. I glanced at my notebook. Umupo ako sa desk ko at nagsimulang magsulat.

Alas tres y media na nang matapos ako. Dinampot ko ang cellphone at nagchat kay Kiel.

Ako:
Let's meet tomorrow.

Gulat akong naseen niya agad.

Kiel Yuan:
bakit?

Ako:
Basta.

Sineen niya lang ang reply ko.

Maya-maya ay nagchat ulit siya.

Kiel Yuan:
sleep ka na

My lips protruded. Sineen ko rin siya at humiga na sa kama. Isang oras pa bago ako tuluyang nakatulog.

*  *  *

August 8, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version)Where stories live. Discover now