08.09.19 - Fastest 20-Minute Drive

137 28 0
                                    

Fastest 20-Minute Drive
08.09.19

May social power talaga si Kiel.

We ended up switching the music to Hayop na Combo. Ngayon, we were back to zero and I was leading the performers.

I couldn't hide my excitement as I explained and began to execute my ideas.

"Here." Tinuro ko kay Kiel ang pwesto niya.

"Saan?" maang-maangan niya.

Maingay na naman ngayon ang room at magulo dahil nakagilid ang mga upuan para sa practice. Nakatayo na rin ang mga performers para sa ituturo kong pwesto nila.

Nilapitan ko si Kiel. Hinawakan ko ang magkabilang braso niya at dinala sa pwesto niya. I shrunk when he playfully leaned in.

Pinisil ko ang mga braso niya at nangingiting pinandilatan siya ng mga mata. Kanina pa rin ako nito tinititigan!

Sunod kong tinuro ang pwesto ng iba. I explained how it would work, what they would do, and how they would switch positions.

"Kapag nasa gitna, nakastep forward ha. At hindi kailangan na sobrang organized 'yung formation at rotation niyo. Kasi ano kayo, orkestrang magulo."

"Kapag ba hindi kami ang nasa unahan? Parang magfreestyle lang kami, gano'n?" kumpirma ng isa.

Tumango ako sa kaniya at pinaliwanag na ang mga sumunod.

Kasunod kong kinausap ay ang propsmen para sabihin ang kakailanganin at makapagdala na rin ng materials.

"Let's practice tomorrow uwian and on Saturday. Pwede ba kayo?" I asked.

"G lang. Saan?"

Sasabihin ko na sana na sa school na lang pero bigla silang nagsabi ng mga bahay.

"Pwede sa inyo Kiel?"

"Okay lang."

"Kila Kiel na lang!" They all agreed. Para raw may pagkain, biro pa nila.

"Baka bawal 'yung iba," Kiel countered suggestively. Nagtama ang tingin namin.

"Sa school na lang," sabi ko sa kanila.

"Init dito," reklamo nila.

"Hindi nagpapabukas ng classroom kapag weekends. Mamamatay tayo sa init."

"Majority votes na lang!"

Ayan na naman!

Tuloy, natalo ako.

"Nandoon ba parents mo?" tanong ko kay Kiel nang mag-uwian.

"Si mommy lang."

Kanina pa ako hindi mapakali!

"Okay lang ba . . . sabihin na natin?" He faced me, measuring my reaction. "Ano . . . Kahit sa parents ko lang."

Tumagal ang tingin ko sa kaniya. Pansin ko ang pag-iingat sa boses niya. And at the same time, he sounded hopeful.

Gusto na niyang sabihin. Narealize ko na unlike me, maaaring hindi siya sanay na may tinatago.

Buntong-hininga akong tumango.

His face lit up. "Talaga?"

He sounded happy, it made me smile. Tumango ulit ako, sigurado na.

"Kailan?"

"Right now? Okay lang?" I mean, sa Saturday na ang practice namin eh.

Nagulat siya bahagya at kumisap ang mga mata. Tumango siya.

Kiel drove off to fetch Kuya Rey in Jollibee. Tapos ay nagpunta na kami sa kanila.

"Wait lang pala, text tayo kay mommy pala," aniya kalagitnaan ng byahe. Nilingon niya ako mula sa shotgun seat.

"Gagi. Dapat pala may orientation muna."

"Huh?"

"Mommy, pauwi na po 'ko. May kasama ako," pagtitipa niya. "Babae"

Tumawa si Kuya Rey. "Nako. Lagot ka kay ma'am."

I pursed my lips. Lalo tuloy akong kinabahan.

"Magagalit ba siya?" tanong ko.

"Hindi 'yun magagalit sa 'yo. Baka sa 'kin, oo."

"Paano 'yan?" I asked him.

"Okay lang 'yun. Magtatampo lang si mommy. Pero papaliwanagan ko na lang siya.

"Ba---" Naputol ang sasabihin ko nang biglang magring ang phone.

"Gagi."

"Ayan na," pananakot ni Kuya Rey.

Kumalat ang kaba sa katawan ko nang makitang mommy niya ang tumatawag.

Pinigilan ko ang paghinga nang sagutin ni Kiel ang tawag.

"Mi," bati niya

[Sinong babae?] bungad ng mommy niya.

"Secret hehe. Surprise."

[. . .]

"Bye, mi. Malapit na kami."

[Is it Avien?]

Kumabog ang dibdib ko, nanlaki ang mga mata. Nagkatinginan kami ni Kiel na nabigla rin.

"H-Huh?"

[. . .]

". . ."

". . ."

Namatay na ang tawag.

"Gagi."

"Kilala niya 'ko?" I shifted from my seat.

"Hindi ko alam!" Kiel sounded nervous.

". . ."

"Gagi! Ba't alam ni mommy!"

Wala na tuloy nagsasalita sa amin habang palapit nang palapit sa bahay nila. It was the fastest 20-minute drive I had ever had!

* * *

August 11, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version)Where stories live. Discover now