08.16.19 - In His Arms

137 29 0
                                    

In His Arms
08.16.19

Hindi na naalis sa isip ko ang sinabi ni Harvin.

That wasn't applicable to me.

Dahil hindi ako nagkikimkim. Madali akong makabitaw. Madali akong kumalma. Madali akong makabalik.

Dati.

Pero ngayon . . .

Hindi ko alam. Hindi ko na alam.

Nawawalan na lang ako ng kontrol sa emosyon.

It all started . . . with Kiel.

Right. Sa kaniya nagsimula 'to. Noon, hindi ko mapigilang hindi mainis sa kaniya.

Tapos naiiyak ako kapag nandiyan siya.

And he was also present when I snapped out!

Just . . . What's with him? How could he bring out different emotions in me . . .

Nagtama ang tingin namin. Nagpapractice sila ngayon habang naka-upo lang ako sa upuan. Bumagal ang galaw niya.

I noticed the longingness in his eyes.

Hindi ko na naalis ang tingin sa kaniya. Just like that, wala na akong ibang narinig kundi ang tibok ng puso ko. Lahat ng nararamdaman ko, napalitan ng pangungulila. Lahat ng iniisip ko, napalitan ng kagustuhang yakapin siya.

I held back for a while. Pinutol ko ang tinginan namin at lumabas ng room.

Umakyat ako ng third floor at sinalubong ng tahimik na corridor.

Sumandal ako sa pader sa tabi ng hagdanan. Narinig ko ang mga yapak ni Kiel.

Nang magtama ang tingin namin ay hinatak ko siya palayo sa hagdan. I hooked my arms around his nape and tiptoed to reach his lips. Nang maramdaman ang mga labi niya ay nag-init ang dibdib ko at gilid ng mga mata.

Ilang segundong natigilan si Kiel bago hinawakan ang baywang ko at idiniin ang mga labi sa akin.

My lips trembled against his as tears streamed down my cheeks. Napayakap ako nang mahigpit sa kaniya at sumiksik sa leeg niya.

"I'm s-sorry. . ." I murmured.

I felt his warmth as he embraced me.

"Sorry. . ." napapaos na bulong ko.

Hinawi ni Kiel ang buhok ko. He stroked my back, calming me down. Mahina akong humikbi.

"Ilang araw ka nang umiiyak . . ."

I shrunk in his arms. Yumakap ako sa baywang at sinubsob ang mukha sa dibdib niya.

*  *  *

August 12, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version)Where stories live. Discover now