12.17.18 - Do Other Guys Hug that Much?

265 38 9
                                    

Do Other Guys Hug that Much?
12.17.18

"Hanap na kayong table," bilin ko sa kambal pagpasok namin ng Sierra Café. Christmas break na parehas ng mga school namin kaya nagbakasyon muna sila sa bahay para mayroon akong kasama tuwing araw.

"Hi! Good afternoon!" bati sa akin ng cashier na ang Tita ni Kiel ulit.

I smiled. "Good morning."

Habang nagpipindot siya sa monitor pagkatapos kong sabihin ang order ay hinanap ng paningin ko ang kambal.

Nakita ko sila sa table sa bandang sulok kasama ng . . . ni Kiel!

"May usapan ba kayo ni Yuan?"

Bumaling ako sa cashier.

"'Di ba classmates kayo?"

"Wala po. Hindi ko po alam na nandito siya."

"Oh! Akala ko hinihintay ka niya!"

Wala akong choice kung hindi lumapit sa table ni Kiel dahil naroon ang kambal. May laptop ulit sa harapan niya.

I sat on the next table.

"Dito ka, oh, Ate Avien." Tinuro ni Kiel ang natitirang empty seat sa harapan niya.

"Tita mo ba ang owner nito?" I ignored his invitation.

"Oo."

"And? You're always here?"

"Hmm . . . Medyo. May tinatapos kasi ako. Ikaw? Saan ba kayo banda?"

"Why are you asking?"

His lips twisted. "'Pag ako bawal magtanong?"

"Spring Ville!" sagot ng kambal.

"Malapit lang pala."

"Here's your order!" Sinundan ko ng tingin ang mga order ko na nilapag sa lamesa ni Kiel. "Enjoy!"

"Send ako pic sa mommy mo," pahabol na sabi pa ng Tita ni Kiel sa kaniya at kumindat.

"Issue. Where's your manager?" Tumaas ang kilay ni Kiel.

Humalakhak ang babae. Nginitian niya pa ako at humagikgik bago tuluyang umalis.

"Diyaan kayo kakain?" I asked the twins since hindi talaga sila gumalaw kahit kinuha ko na ang pagkain ko.

They ignored me, proceeded to talking to Kiel about Roblox!

Sumimangot ako at umupo na lang ulit sa kabila. So, kaya lang ba sila nagyaya pumunta rito kasi gusto makita si Kiel??

"Dito tayo." Biglang nilipat ni Kiel ang laptop niya sa tabi ko at pagkatapos ay ang pagkain ng kambal na sumunod din naman.

Kiel settled on the seat beside me. "Pwede tumabi?" Nagtanong pa kung kailan naka-upo na.

Nakinig lang ako sa usapan nilang tatlo habang kumakain, prenteng nakasandal sa upuan at pasimpleng nanonood sa ginagawa ni Kiel sa laptop. Nag-e-edit pala siya ng video. Montage ng shop. Actually, kinakabisado ko ang tools na ginagamit niya.

Ibinalik ko ang mga mata sa phone nang lumingon siya sa akin.

"Ganda?" he asked.

I met his gaze then glanced at the screen then back on my phone.

"Seenzoned," he murmured and just showed his screen to the twins.

Matapos kumain ng kambal ay akala ko makakaalis na kami pero hindi pa pala sila tapos makipagkwentuhan sa 'Kuya Kiel' nila.

Hinintay ko na lang magsawa dahil mukha naman silang entertained kay Kiel. Napag-u-usapan nila 'yung mga topic na hindi ko kayang makipagsabayan.

Gumitna pa sa kanila si Kiel at pinaglaro ng kung ano sa laptop niya. While they enjoyed their time together, I continued scrolling through my phone.

"Anong gusto niyo? Cookies?" I overheard Kiel asking the twins.

"Doughnut, Kuya Kiel."

"Sige, libre ko kayo. Basta . . ." Binulong na niya sa kambal ang mga susunod kaya hindi ko na narinig.

Kung ano-ano nang napagkaabalahan nila magkasama. Nagkwentuhan, naglaro, nagtawanan, hanggang sa pinagtitripan na ni Kiel ang dalawa.

"Avien." Bumalik siya sa tabi ko. "Nakakatakot sila . . ." He leaned over as if stealthily whispering but he was actually letting the twins hear. He acted scared.

Iyong kambal naman ay hindi maipinta ang mukha. "Kuya Kiel!"

He glanced at me. "Hindi ka ba natatakot? Wala ka bang napapansin sa kanila?"

Napakunot ang noo ko sa kambal, hinahanap ang problema.

"Ang creepy! Magkamukha sila!" Tinuro-turo niya pa ang kambal.

"Huh?" initial reaction ko. I chuckled a bit, ridiculed, when it registered. Dagdag pa 'yung tingin ng kambal na parang naiiyak kasi tingin talaga nila may problema sa kanila. "Oo nga noh. Bakit ba kayo magkamukha? Ang weird."

Nagulat ako nang tuluyan silang umiyak.

"Oy, hindi ako ang nagpa-iyak ha," paghuhugas-kamay bigla ni Kiel.

"Oh, hug na . . . Sorry . . ." Lumapit siya at niyakap ang kambal.

I watched the view and suddenly, frequent scenes of Kiel hugging different people flashed in my head.

* * *

July 20, 2023


hii! how's the story so far? ^°^

what do you feel about the characters?

Vote and comments are highly appreciated!

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version)Where stories live. Discover now