06.03.19 - The More You Ignore

193 32 12
                                    

The More You Ignore
06.03.19

Ang bilis ng proseso. Nag-entrance exam ako, pumasa, binigyan ng listahan ng requirements.

Kaya ngayon, on the way na ako sa old school para mag-asikaso ng mga iyon!

I bit the insides of my lower lip as I entered the building. I wanted to curse myself for choosing a hassle path.

Sa registrar na ako dumiretso para magtanong.

And I swear! Whoever is writing this life story sucks at timing!!

Bakit nasa registrar si Kiel!!!

Ang dami-daming oras at araw pero bakit kung kailan nandito ako, nandito rin siya!!! Nakakainis!!

"Avien!" He saw me.

I frowned.

Dumiretso na lang ako dahil magmumukha akong tanga kung bigla akong aalis.

"Long time no see, madam. Kilala mo pa 'ko? Seen-seen lang tayo ah."

"Wala akong natanggap na message."

"Oh, wala pa nga akong sinasabi, alam mo agad."

Napairap ako.

"Nabulok na 'yung Avocado sa tagal mong magreply."

Nagmessage nga siya sa akin pag-uwi nila na may ibibigay daw siya. Hindi naman ako nagreply.

Bakit ako magrereply! I don't care about him and his pasalubong!

"Pinaiwan ko na nga lang sa shop, sabi ko kay tita ibigay sa 'yo kapag napadaan ka. When po ba availability niyo? Pwede magpa-appointment?"

"I was busy, okay?"

"Okay lang. Hindi naman ako ang kakain ng inuod na Avocado."

"Edi sana dinaan mo sa bahay. Ang dami mong pinaglalaban."

"I was busy, okay?"

Inirapan ko siya.

"Magreregister ka ba? Wait lang daw sabi ni ate."

"Kukuha lang ako ng TOR."

"Bakit? . . . Lilipat ka?"

"Yes."

"Lah. Bakit?"

Nilingon ko siya. "Gusto ko lang."

"Saan?"

"San Lazaro."

"Pangit diyan. Dati 'yang sementeryo."

My lips twisted.

"Bawal ang maattitude diyan."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Dito ka na lang. Kahit may attitude, basta nagbabayad ng tuition, pasok!"

"Sa 'yo lang naman ako may attitude," I mumured.

"Kita mo bumubulong-bulong kang mag-isa. Ayaw mong itry sa Safe Haven na lang?"

I grimaced. "Ikaw ang pumasok do'n! Wala ng exam! Unang tingin, pasado ka na!"

"Nakakatawa talaga ang mga honor student."

Napipikon ko siyang hinampas ng folder.

He lowered my wrist, chuckling. "Joke lang."

Binawi ko ang braso ko.

"Huwag ka nang lumipat. Eto naman, kinokomplika pa ang buhay."

"Bakit ka ba nangingialam?"

"Bakit ba nagagalit ka na naman?"

Pairap akong umiwas ng tingin.

"Ano na namang ginawa ko sa fake scenarios mo sa utak?"

I pursed my lips, suppressing a smile. Bwisit talaga 'to.

"Hindi nga. Bakit hindi mo 'ko pinapansin?"

"Anong hindi."

"Si acting." Kinuha niya ang phone sa bulsa. I watched him type my name on the Messenger app.

Pinakita niya sa akin ang chatbox namin. "Ayan oh, seven messages. Avien, punta ka shop. May bibigay ako sa 'yo. Avien. Avien shop or park? Sineen mo 'to. Avien ok lang ako. Avien shoooop. Avien pwede dumaan diyan? May bibigay lang. Seen, SAT 10:49 AM."

"Malay ko ba. Mamaya drugs pa ang iabot mo."

"Ibang klase talaga mag-isip ang mga---"

I glared at him.

"Estudyante ng San Lazaro," he continued.

Umiwas ako ng tingin, natatawa. "Ang tagal naman ng registrar!"

"Cut off na ata," ani Kiel.

"Okay, umuwi ka na."

"Haha hindi ka bibigyan ng good moral. May record ka sa DO."

Umawang ang labi ko, naalala iyon. Humalakhak si Kiel.

Imbis na mabwiset, natatawa ako sa tawa niya. Ang immature! Nakakainis!

"Bibili ako books. Samahan mo ako."

". . ."

"Please?" Pagilid siyang yumuko para matignan ako.

Bigla akong sininok. Kiel blinked, startled.

Umakyat ang dugo sa mukha ko at tinalikuran siya. I heard his chuckle.

"Avien, nakakamiss ka." Humabol siya.

"Huh?!"

"Sabi ko nakaka---"

Tinakpan ko ang tainga ko. "Stop! Ayoko marinig!!"

"Lah."

*  *  *

July 30, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version)Where stories live. Discover now