09.24.19 - Our Little Secret

138 28 0
                                    

Our Little Secret
09.24.19

May napatunguhan ang mga tinurong laro sa akin ni Kiel dahil sa pangalawang linggo ay nagkaroon kami ng activity sa P. E. Maglalaro kami ng mga larong Pinoy.

"Seven!" Tuwang-tuwa si Kiel dahil parehas kaming group seven matapos ang bilangan.

"Go to your respective groups," ani Ma'am nang makarating kami sa open court.

"Yie!" Napalingon ako at kitang tinutulak ni Shanice si Ailene papunta sa pwesto namin.

Kagrupo ko sila Kiel, Ailene, Rain, Faye, at Dianne. We'd be playing Patintero and Dodgeball simultaneously.

"Pa'no 'yan . . ." I heard Faye murmured to herself while my classmates were drawing lines for Patintero. Nasa tabi ko lang siya.

"Si Avien ata marunong!" biglang sabi ni Kiel. Pinandilatan ko siya ng mga mata.

Hindi naman ako binalingan ni Faye, hindi sineryoso ang sinabi ni Kiel.

I glanced back up at Kiel. Nginuso niya si Faye.

I pursed my lips.

"Uh . . . ano . . ." Napalingon sa akin si Faye. Tinuro ko ang mga linya at napatingin siya roon. "'Yung mga linya riyan . . . Mayroong mga magbabantay diyan para tayain ang mga maglalaro. 'Yung unang maglalaro o 'yung taya, magsisimula sila sa isang side tas lalagpasan nila 'yung mga nakabantay sa linya hanggang sa maka-ikot sila at makatawid."

I looked up at Kiel, asking for confirmation. He nodded, looking proud.

"Sabay-sabay lahat?" Faye asked.

"Oo."

"Thank you," sabi niya.

Bumalik ang mga mata ko kay Kiel. He gave me a thumbs up. Napangiti ako.

Before the game started, I tied my hair up.

Patintero ang unang lalaruin namin.

Kami ang unang players. Hindi ako confident sa pagtawid kaya lumapit ako kay Kiel.

"Dead mother, dead all?" tanong ko.

Napalingon silang lahat sa akin.

Umawang ang mga labi ni Kiel. Si Rain at Ailene ay mahinang natawa.

"Chinese garter?" nakangising ani Dianne.

I blinked.

"Gagi, lab, joke lang 'yon. Walang gano'n," pasimpleng bulong sa akin ni Kiel.

Nag-init ang pisngi ko.

Bwisit ka, Kiel!

He nuzzled my ear a bit, chuckling.

My heart raced. Nagtama ang tingin namin ng iilan. Si Rain ay napaubo-ubo at bumaling sa iba.

"M-May dumi ka! Ano 'to, kuto?" Biglang chineck ni Kiel ang buhok ko.

Napalingon na rin sa amin ang iba. I looked at him from my side and glared. He gulped. Humalakhak si Rain at inakbayan ang kaibigan palayo sa akin.

Pinalabas pang may kuto ako!

Napalingon ako sa paligid para icheck kung may iba pang nakarinig.

My eyes met Harvin's who was giving me a disgusted look. I mirrored it and rolled my eyes at him playfully.

Mukha namang hindi naghinala ang mga nakakita, nagpatuloy lang sa mga ginagawa. They treated it as normal since it was from Kiel, a natural affectionate and always playful. And Kiel made sure to do the same to Rain to conceal our little secret.

It was funny and at the same time, made my heart flutter. Affectionate siyang tao pero willing talaga siyang sumabay sa kagustuhan kong ilihim.

* * *

August 16, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version)Where stories live. Discover now