01.17.19 - Entertaining After All

239 35 7
                                    

Entertaining After All
01.17.19

Never once did I imagine myself getting a record in the disciplinary office! More so, for some stupid and childish act I didn't even do!

"Sorry . . ." Halos hindi ko na marinig ang boses ni Kiel sa hina habang nagkukuskos ng pininta niya sa bleacher.

Kanina ko pa kinukwestyon ang mga desisyon sa buhay.

Bakit ba 'ko nag-enroll dito?

"Hindi naman makakaapekto 'yon sa hono---"

Binalingan ko siya ng matalim na tingin. He slowly pressed his lips together, shutting up.

"Sorry . . ."

Bumaba ang mga mata ko sa kanina niya pa kinukuskos.

"B-Bibili na lang ako pantanggal ng Acrylic paint . . ."

I folded my arms. Ano bang meron sa araw na 'to?!

"Coffee." Nagulat ako nang biglang may bumungad na Starbucks sa harapan ko.

I looked up at Kiel. Uwian na ngayon at nasa library ako. Kanina niya pa ako sinusundan pero hindi ko pinapansin dahil nauuwi nga lang sa pagkainis.

Kanina, kinuwento niya na nagpabili siya ng Acrylic paint remover. Lumabas siya saglit at ngayong pagbalik ay hindi lang pala acrylic paint remover ang dala.

He handed me an iced coffee and a paper bag.

"Sorry na . . . Bati na tayo . . ."

Sinilip ko ang paper bag at mayroong two pieces of doughnuts.

"Gutom ka na ba?"

I shifted my gaze at him. What is this? Another peace offering?

"Gusto mo sa lounge? Bawal dito kumain eh."

"Tanggalin mo na lang 'yung paint sa field," sagot ko.

His face lightened up. "Kinakausap mo na 'ko?"

Naconscious tuloy ako. Baka mamaya sabihin nito Starbucks lang katapat ko.

Napairap na lang ako.

Tahimik kaming lumabas ng library at nang madaanan ang locker area ay automatic kaming parehas na napatingin sa pinaglagyan niya raw kahapon ng platform.

My lips parted when I saw something there.

"Hala." Inabot ni Kiel ang nasa ibabaw ng shelf at nakumpirmang ang gawa ko iyon. "Ang galing, bumalik nga."

Lumibot ang paningin ko sa paligid pero random na estudyante lang naman ang mga naglalakad, walang kapanghi-panghinala.

I curiously returned my eyes to the platform and saw even more creases there.

"Somebody took that," I said.

"Wala 'to kahapon. Hindi ako gumawa nito," tukoy niya sa mga bagong lukot. I even noticed small stains. "Lakas trip ah. Anong ginawa rito? Nilaro? May pangalan na nga eh."

I checked what he wrote. Aviel's property.

Napatingin ako sa kaniya. I then averted my gaze when he glanced back. Tinalikuran ko siya. "Tara na."

I sat on the bleacher. Kiel stood in front of me and handed the food. "Matutunaw na oh."

Napatingin ako roon. He urged me to take it and it made me feel uncomfortable!

Taking it felt embarrassing!

"Kunin mo na. Sige, hindi ako titingin." Umiwas talaga siya ng tingin.

"Shut up." Kinuha ko na lang iyon to save face.

Napangiti siya. "Okay, sealed. Bati na tayo, ha?"

"Magkuskos ka na nga."

Agad na siyang nagsimula sa trabaho. I stretched my feet and entangled them with each other as I drank on my coffee and watched him do the work.

He glanced up at me after my first gulp. "Bati na tayo, ha?"

"Tapos ka na ba?"

"Eto na oh." He focused again. "Natatanggal nga rin pintura nito."

Hinintay ko siyang matapos. Nag-alcohol ako at inilapag iyon malapit sa kaniya.

"Pahingi," paalam niya pero dinampot na.

"Bati na tayo?" tanong niya pa ulit.

Kumuha ako ng isang doughnut at inabot sa kaniya.

"Uy, sa 'yo 'yan lahat."

"Take it," I said.

"Hala, hindi ako gutom."

"Kukunin mo ba 'pag 'di ako tumingin?"

He blinked then laughed when it registered. Tinanggap na niya iyon.

"Mas gusto ko 'yung isang flavor," nagdemand pa siya.

"Bili ka."

Humalakhak siya.

Kumagat na ako sa pagkain ko.

"Thank you," he said.

"You're welcome."

He laughed again.

"Bati na tayo?" he asked once more after swallowing his first bite.

"Are you finish?"

Kumagat ulit siya. Natatawa akong nag-iwas ng tingin.

* * *

July 21, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version)Where stories live. Discover now