08.05.19 - Earned a Vent Buddy

181 30 0
                                    

Earned a Vent Buddy
08.05.19

"I think we should do this entertaining. Funny performance, instead na plain dance performance lang," I laid out my opinion to my co-leaders.

"Pwede."

"Pwede kasi sa kabilang section ata parang sasayaw lang sila."

"Maganda may mga acting-acting gano'n."

"Fit 'yung Hayop na Combo sa entertaining performance. Mayroon na akong idea paano ieexecute," sabi ko.

"Pwede rin 'yung Pitong Gatang."

"Maganda rin kung mag-assign tayo ng choreographers para bumuo ng steps. Marami namang dancers dito sa room," I suggested.

"Idivide natin 'yung tasks. Mayroong dancers, mayroon sa props."

"Hindi naman kailangan lahat magperform right?"

"Oo. Pero maganda kung lahat tayo."

"Magiging mahirap 'yun. Walang pirming mag-a-asikaso ng props," sabi ko.

"Pumili na muna tayo ng music."

"Voting na lang. Majority wins," anila.

Kaya iyon ang nangyari. Pinagbotohan ng klase kung ano ang gagamiting kanta.

The majority ended up choosing Pitong Gatang.

I sighed.

I asked the leaders if they have an idea for the execution for Pitong Gatang pero wala naman daw.

"I mean, they should have just agreed with Hayop na Combo kung wala pa naman silang idea sa ibang music, 'di ba?" pagrarant ko kay Kiel. "Pero pinavote pa ang iba. Edi syempre ang pipiliin niyo ay 'yung pinakafamiliar kayo. We are the leaders, we should have decided for it."

"Pero parang okay din, love, na majority para walang sisihan," ani Kiel habang binubuksan ang isang pint ng ice cream na binili namin. "Baka sisihin ka pala nila sa pagpili ng music kapag hindi nila nakuha ang gusto nilang grade."

Napaisip ako sa sinabi niya.

"Pero Hayop na Combo ang binoto ko kanina ah!"

"Buti ka pa."

Nasa malayong 7/11 kami ngayon. Maaga kasi ang uwian namin at may meeting ng club mamayang 4 pa kaya nagpapalipas muna kami ng oras.

"Ano ba 'yung idea mo sana?" tanong niya habang busy na ngayon sa pagbubukas naman ng waffle cones na binili rin namin.

Nilabas ko ang sanitizer ko at kinuha ang kamay niya para lagyan bago ako nagpatulog sa pagkukwento tungkol sa naiisip ko. Actually, kaka-announce pa lang ng project, nag-isip na agad ako ng pwede naming gawin kaya medyo buo ko na ngayon.

"Oo nga, tapos pwedeng tayong gumawa ng costumes nung mga hayop," Kiel added up to my idea. Nasuscoop na siya ng ice cream sa cone.

"Right? And plano ko pa na DIY din 'yung instruments para mashowcase 'yung creativity."

"Sayang, love, dapat sinabi mo agad idea mo kanina."

I sighed. "Paano sa Pitong Gatang? Cowboy costumes lang? Sayaw-sayaw lang? So plain."

Kiel just let me speak.

"Hindi ko nga nasabi sa ibang leaders 'yung idea ko. But I told them I already know how to execute Hayop na Combo. They should've taken that into consideration, 'di ba? Since wala pa namang plan sa iba pang music. We could've saved time. Edi sana nagpaplan na tayo. Ngayon tuloy, tengga muna kasi wala pang naiisip sa Pitong Gatang."

Kanina, pinipigilan ko talagang mainis dahil baka iba ang maging dating sa mga kaklase ko pero ngayon, hindi ko na mapigilan ang frustration. Tuloy-tuloy ang pagvevent out ko habang nakikinig lang si Kiel.

Pagkatapos din naman ay kumalma na ako pero napalitan naman ng hiya nang marealize na baka iniisip na ni Kiel ang dramatic ko at sobrang affected.

"Alam mo," panimula ni Kiel nang hindi na ako nagsalita. "Feeling ko ganiyan sila kasi wala pa sa isip nila ang project. Hindi pa nila sineseryoso."

Nawala ang hiya ko. My frustration felt validated.

"Siguro nga. 'Yung iba nga go with the flow lang."

"Ako rin eh," he admitted and laughed about it.

Napangiti na lang ako.

"Ano pa?"

Umiling ako at napanguso.

"Okay ka na? Frustrated pa?"

"Hindi na."

He smiled and handed me the waffle cone with ice cream. "Pampalamig."

Nangingiti kong tinanggap iyon. Siya naman ang nagsandok ng para sa kaniya. Tumayo muna ako para manghingi ng tissue sa counter.

"Hi, kuya!"

Nakita ko ang pagbati kay Kiel ng dalawang estudyanteng kakapasok lang ng store.

"Hi, ate," Kiel replied.

The girls giggled. Lumapit ako kay Kiel at nagtama ang paningin namin.

"Lazaronian," he pointed out humorously.

Pairap akong umiwas ng tingin, may multo ng ngiti sa mga labi. Tinamad na kaming magpatong pa ng ice cream sa waffle cones matapos maubos ang tig-isa kaya sa pint na lang kami kumain ng ice cream sabay kagat sa natirang waffle cones.

Pinunasan ko ng tissue ang kamay ni Kiel na natuluan ng ice cream.

Nang maubos ang ice cream ay hinalughog ko ang bag ko para lang makahanap sana ng wet wipes. Buti ay mayroon pa pala ako. I wiped my mouth and waited for Kiel's last bite before I wipe his.

Nilinis ko rin ang lamesa namin.

"Thank you!" Nagulat ako nang biglang halikan ni Kiel sa pisngi.

Nagkatinginan kami. He blinked and eyes widened a fraction when he realized we were at a public place.

"Ay, gagi, sorry." Natawa siya sa sarili at umayos ng upo.

"Breach of contract."

He laughed at my remark. My lips curled to stifle my smile. Kinuha ko na lang ulit ang sanitizer ko. Pinagdikit ni Kiel ang mga kamay niya para manghingi. Nilagyan ko ang kamay niya.

When I lifted my eyes, I saw him watching me.

He flashed a warm smile which I unconsciously mirrored. I averted my gaze, heart fluttering.

On the way back, I noticed a boost of energy in me. Nakaupo ako sa dulo ng jeep at nakatingin lang sa labas. I was humming a song in my head. And how cool it was to hear Kiel sing the lyrics randomly when we were already at the school premise.

Napalingon tuloy ako sa kaniya. Nasa likod ko kasi siya at nauuna ako maglakad.

He shot up his brows, asking. Umiling lang ako at napangiti.

Hanggang sa club ay good mood ako kahit pa hindi na kami magkatabi ni Kiel.

Nang maramdaman ang tingin ni Harvin ay nilingon ko siya.

Nakatitig siya sa akin kaya napataas ang mga kilay ko. He looked amused.

I smiled at him innocently. Napaiwas lang siya ng tingin, pairap pa.

For some reason, it made me chuckle. Kinuha ko ang papel niya tungkol sa acquaintance party at isinabay na sa pagbigay ko ng akin sa myembrong nangongolekta.

*  *  *

August 10, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version)Where stories live. Discover now