10.16.19 - Pile of Realizations

Start from the beginning
                                    

The first entry was written on July 16, 2018. And it was about Kiel! How I hated that he didn't want to group with me! And how I manipulated his way into my group!

Sa pagkakaalala ko, inis na inis ako sa kaniya noon dahil sa nanunukso niyang mga mata. I felt insulted by his gaze. I felt so annoyed.

I was so triggered I ended up writing about it!

"Totoo ba 'yung the more you hate, the more you love?"

"Shut up." I got embarrassed at what he was trying to insinuate.

Humalakhak si Kiel. "Oo nga noh! 'Di ba ayon sabi mo sa 'kin dati? Naiinis ka sa 'kin kasi gusto mo 'ko?"

I motioned tucking myself under the blanket.

"So crush mo na 'ko nung July 16, 2018?"

I covered my ears.

"Tapos 375 days later, naging tayo," he realized.

"Huy, ang galing mo. Nakatuluyan mo crush mo," pang-a-asar niya.

Nagtaklob ako ng unan, hindi matanggap.

"What if nung grade 8 pa? Pagkatransfer mo!" Nag-imagine na siya.

"Ano ka, delusional?"

Humalakhak siya.

"Idikit ko ulit 'to, ha?"

Napabangon ako at nakitang nasa kamay na niya ang journal.

"Ayoko na niyan. Ang cringe. Nakakasuka ugali ko. Susunugin ko nga dapat 'yan eh."

"Hoy grabe, huwag. Para mo na ring sinunog ang feelings mo sa 'kin."

I gave him a sarcastic smile.

"Huwag mo itapon. Magiging reminder 'to ng growth mo.

"Atsaka ng pagmamahal mo sa 'kin." He grinned.

Kinuha ko sa kaniya iyon at nilapag sa side table. "Let's do that later. I want to sleep."

Pahiga na ako nang pigilan niya para painumin muna ng gamot.

Hinila ko siya pagkatapos, tinapik ang space sa tabi ko.

"Baka makatulog ako eh," tanggi niya.

"Matutulog nga tayo. Aren't you tired?"

"Eh pa'no 'pag may lumipad na tabo rito mamaya?"

"Wala kaming tabo. Shower lang."

"Eyyy~~ Flex.

"Malikot ako matulog. Paano kapag---"

"Tsk. Daldal." Napipikon akong napakamot ng ulo.

Kahit ayaw mong mainis, maiinis ka rin talaga sa kakulitan nito eh! Bibinatin pa ata ako!

Natatawang humiga na si Kiel. "Bawal kiss ha."

"Why?"

"Lah. Anong why?"

"Alam ko naman. Hindi naman ako salaula para ipasa sa 'yo ang virus."

"Buti naman."

". . ."

". . ."

"Nakakainis ka," sabi ko.

"Bakit?"

"You don't have to remind me, okay! Para namang gusto kitang halikan."

". . ."

Tumalikod ako at yumakap sa unan.

"Lah. . ." he reacted.

Napakaano naman kasi.

"Bakit? Hindi mo na 'ko love?"

"Hindi."

"Okay. Iluwa mo 'yung niluto ko."

I stifled a smile.

"Ibabalik ko sa grocery mga binili ko.

"Hanap ka na rin bago mong drivers."

Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.

"Joke lang," bawi niya.

Hinila niya ang braso ko para makaharap ako nang tuluyan sa kaniya.

I scooted closer. Nilagay ko ang unan sa gitna naming dalawa, sandwiching it as we hugged. Hinawi niya ang buhok ko at hinawakan ang pisngi at leeg ko para icheck ang temperatura. Napapikit ako habang may ngiti sa mga labi. Lalo akong sumiksik at hinigpitan ang yakap sa kaniya.

Kiel chuckled as he renewed his hug. "Akin lang ganito mong side, ha?"

"No."

"Okay. Payag naman ako ganito ka rin kay mommy mo."

"No way."

Tumawa si Kiel.

Napalayo tuloy ako kaunti dahil sa tawa niya. Imbis na mainis, napapangiti na lang din ako. He's so happy, it's contagious.

Nakatulog akong may ngiti sa mga labi.

*  *  *

August 22, 2023 | November 11, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version)Where stories live. Discover now