11.07.19 - For Memories

Start from the beginning
                                    

Pinaningkitan ko siya ng mga mata.

We met gaze. He shortly lifted his eyebrows a bit and shoved two pieces of fish balls in his mouth while looking at me.

"Babalik pa kayo?" Nagtatanungan na ang mga kaklase ko.

"Papagalitan tayo eh!"

"Magquiz daw sila. Automatic zero na raw mga wala roon ngayon," dinig kong kwento pa ni Dianne kaya napabaling ulit ako sa kaniya.

I felt uneasy. Dali-dali ko nang sinimulang kainin ang fishballs ko kahit wala pang sauce.

"Di na ko babalik." May mga nakapagdesisyon na at mayroon ding mga walang pakialam at patuloy lang sa pagkain.

"Babalik ka, Avien?" tanong sa akin ng kaklase habang tinatapos ko ang pagkain. Napatingin sila sa akin. Tumango ako.

May mga napaisip dahil sa sagot ko. Kanina buo ang desisyon na huwag bumalik pero ngayon ay nagdadalawang-isip na dahil may isang babalik.

"Basta ako hindi na. Ilang minuto na lang din naman!"

"Una na ako," paalam ko kay Ailene.

Tumango sa akin si Ailene. Mukhang wala rin siyang balak bumalik.

"SM na tayo!"

"Hay gagi! Baka pag-initan na tayo ni Mrs. Cruz niyan!"

"Eh siya naman ang late!"

"Gaga! Umalis tayo grace period pa!"

"Okay lang 'yan!"

"Shet cutting tayo!"

"Shet! Magiging core memory ko 'to!"

"SM na!"

Nagkakayayaan na sila habang pabalik na ako sa gate.

"Uy Kiel! Babalik ka?"

Napalingon ako sa narinig. Nakita ko si Kiel sa likuran ko na kumaway sa kanila. "Studies first! Enjoy kayo!"

Napahawak ako sa dalawang strap ng backpack ko at tumalikod ulit. Dalawang segundo bago ako nagpatuloy sa paglalakad, pabilis nang pabilis hanggang sa tumatakbo na ako pabalik ng building.

"Akin na bag mo."

Nahabol ako ni Kiel pero hindi ko siya pinansin. Magulo na ang isip ko habang tumatakbo.

"Hoy! Huwag kayong tumakbo!" May sumita sa amin.

"Sorry, kuya! Late na kami!" ani Kiel.

"Uy, gagi, love. Wala ako wamport sheet ha, penge ako," sambit ni Kiel mula sa likod ko habang umaakyat na kami ng 2nd floor.

Nasa dulo na kami ng corridor kung saan iilang hakbang na lang classroom na namin nang mapahinto ako.

Bumangga pa sa akin si Kiel sa bigla kong paghinto. Napahawak siya sa tuhod, ngayon lang nagkapanahon hingalin.

His breathing synced with mine. My chest rose and sank slowly while staring at the empty corridor.

My hand sought for Kiel's as I was about to make a decision. Napalingon siya sa akin at bumaba ang tingin sa kamay namin. Unti-unti siyang napaayos ng tayo.

Napapikit ako at huminga nang malalim.

"Let's go back," I gazed upon him, decided.

Tumango siya. "Tara na."

He squeezed my hand. I pulled his hand back when he was about to walk forward.

Umiling ako at hinila siya pabalik sa dinaanan namin.

"Huh? Ba't tayo babalik?" naguguluhang tanong niya habang hila-hila ko siya pababa ng hagdan.

I looked back, a smile plastered on my lips. "For memories?"

His eyes lingered on my face. Bumalik na ulit sa harapan ang mga mata ko at nagpatuloy.

He overtook me, pulling my hand. "Tara. Para maabutan pa natin sila!"

Hawak-hawak niya ang kamay ko habang tumatakbo kami palabas ng building.

Humigpit ang hawak ko sa kaniya at napangiti.

Bibitiwan niya dapat ang kamay ko nang malapit na kami sa gate. Hinigpitan ko ang kapit sa kaniya para hindi mangyari. Napalingon siya sa akin habang patuloy pa rin kami sa pagtakbo. Nangingiti siyang umiwas ng tingin.

"Sama kami!" sigaw niya sa mga kaklase namin. Pumapara na pala sila ng jeep. Sabay-sabay silang napalingon sa amin.

Nang makatabi ako kay Kiel ay nagbitiw kami ng kamay at lumapit sa kanila. They looked confused and speechless. Napanguso na lang ako dahil napansin kong napansin ng iba ang magkahawak naming kamay. Napaiwas ako ng tingin.

"Sama kami," ani Kiel.

Wala na rin naman silang panahong magreact dahil kanina pa nakahinto ang naparang jeep. Nagsipasukan na sila roon at sumunod kami. Napuno namin iyon.

Si Honey ang nakatabi ko habang si Sofia naman ang kay Kiel. Halos magkatapat lang kami.

"Ba't 'di kayo tumuloy, 'tol?" tanong ni Rovin kay Kiel.

"For memories," Kiel replied, locking eyes with me.

I looked away to contain my smile. Matatawa ako!

"Wow si Avien cutting," tukso nila.

My lips curled for a stifled smile.

"First time."

"Nagchat si Kristel! Pinerfect na raw ni ma'am quiz nila!" anunsyo ni Dianne.

"Edi sila na."

"Ang saya! Zero tayo!" Tumawa si Erin.

"Peperfect score din ako mamaya sa Tom's World!"

Nag-usap-usap na sila kung saan pupunta kaya ang ingay lalo ng jeep.

Napapangiti na lang ako.

Ito ang unang pagkakataon na mas pinili ko ang iba kaysa sa grades.

Unang pagkakataon at wala akong pinagsisisihan.

* * *

January 20, 2024

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version)Where stories live. Discover now