07.29.19 - Day 3: Kiel is Sick

Start from the beginning
                                    

Pagbalik ay nakasalubong ko ang grupo ni Kiel sa corridor. Nagtama ang tingin namin saglit at nilampasan ang isa't-isa nang walang sabi.

Pasimple ko na lang nilapag sa desk niya ang gamot nang makabalik ng room.

I ate on my seat.

"Ito 'yung pictures." Naglapag ng cellphone sa desk ko si Harvin na parang masama pa ang loob kausapin ako.

I checked them carefully. "Ano ang mga napili mo?"

"Ikaw na bahala kung anong gagamitin mo."

I surveyed the photos and chose three among them.

"Di ba magsusulat lahat? Ikaw? Anong photos mo?"

"Ano bang mga pinili mo?"

Binalikan ko ang mga napili ko para ipakita sa kaniya.

"Ayan 'yung akin eh."

Napatingin ako sa kaniya at kumunot ang noo. "Sabi mo ako bahala?"

"Oo nga. Pero akin 'yan."

"Yung tatlo?"

"Oo."

Nag-iwas ako ng tingin at pumili na lang ulit ng bago. Ang pangit naman na kasi ng iba!

Chineck ko ang phone ko. Wala naman akong halos litrato sa party! Dapat pala kumuha ako! Nawala na kasi sa isip ko eh!

"Pumili ka na."

Pumili na lang ako ng kahit ano. Anyways, sa kaniya naman credited ang pictures.

"Isend ko sa 'yo."

Tumango ako at nagpatuloy sa pagkain.

Pagbalik ni Kiel sa room ay nakita niya ang gamot. He glanced at my direction. He smiled a bit while opening the medicine. Ininom niya na iyon kaya napanatag na ako.

Everything went smooth the next hours. Nakapagfocus ako nang maayos sa klase, which I didn't expect.

Akala ko magtutuloy-tuloy na nang mapansin ko ang mga galaw sa direksyon ni Kiel. I noticed how his girl seatmate touched his forehead with the back of her hand. Kiel leaned away.

May binulong si Jam sa kaniya. Umiling si Kiel.

"Ms. Evangelista, number one."

Nagulat ako nang bigla akong tawagin ng teacher. I blinked blankly at him.

"Number one," he repeated.

When I wasn't able to respond for about three seconds, he called another student.

I pursed my lips and dropped my eyes on my book. Napasapo ako ng noo at inintindi kung nasaan na ba kami.

Nagsasagot nga pala ng activity! And ngayon, nagchecheck na pala!

Dali-dali kong sinagutan ang mga huling numbers.

Sa hiya, pigil na pigil ang muli ko ulit pagbaling kay Kiel. Pero kahit hindi ko siya tinitignan, kung ano-ano nang tumatakbo sa isip ko.

Nang mag-uwian ay naghintay ako ng ilang sandali pagkatapos niyang lumabas. Nang magchat siya kung saan siya ay dumiretso na ako roon.

"Are you sick?" pagdalo ko agad sa kaniya pagpasok ng sasakyan.

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version)Where stories live. Discover now