Chapter 26

623 51 10
                                    

KABADO pa rin ako nang lumabas ng opisina ni Doc Riza. Hindi ako makapagpasya kung maiinis ba ako dahil para akong ipinagkanulo nito kay Engineer Irlan o kung iintindihin ko na lang. May palagay kasi akong si Engineer ang tinutukoy nitong kaibigan na nagbigay ng mga Vet Chemistry Analyzer. Baka tumanaw lang din ito ng utang na loob at matino namang lalaki si Engineer. Nagtiwala ito na hindi ako mapapahamak.

Pilit kong hinamig ang sarili habang binabaybay ko ang malawak na school ground at tinutungo ang parking area. Tanaw ko na ang sasakyan ni Yanixx. Binilisan ko pa ang mga hakbang nang mapansin kong bumukas ang pinto sa gawi ng driver at bumaba si Mayor.

"Mama, we came to pick you!" Masayang dumungaw sa bintana sa backseat si Vince, nakangiti nang malaki. 

"Hi, baby ko! Salamat." Pinagtagpo namin ng anak ko ang aming mga nguso.

"That car belongs to Irlan, he's here, isn't he?" tanong ni Yanixx na bakas ang pagkayamot sa mababang timbre ng boses.

Umunat ako at tumingala, sinalubong ang matiim niyang titig. "Oo,  nandito siya. Kinausap niya ako roon sa opisina ni Doc Riza." Walang saysay kung magsisinungaling ako at itanggi iyon. Sisindihan ko lang ang inis niya.

Gumalaw ang mga panga niya. "What's the deal with that guy? Bakit ayaw ka niyang tigilan?" matigas niyang angil at pinagbuksan ako ng pinto. Kinuha niya ang bag ko at mga librong bitbit. Inalalayan akong sumampa sa loob. Mahigpit na yakap ang isinalubong sa akin si Vince.

Hindi ko na siguro kailangang sabihin pa kay Yanixx kung ano ang napag-usapan namin ni Irlan. Mas lalo lang siyang magngingingit. Sapat na'ng naging tapat ako sa kanya ngayon. Pumasok siya sa front seat at nilapag sa katabing upuan ang aking bag at dalawang aklat.

"Pwede ba tayong dumaan sa grocery store? Bibili lang ako ng ingredients para sa munchkins at hotcake," pakiusap ko sa kaniya.

"You're going to make munchkins and hotcake for me, Mama?" sabik na bulalas ni Vince.

"Hmm...yes," natatawang pinisil ko ang mapintog nitong pisngi. "Ibibinta ko 'yong matitira."

"Ibibinta?" Namilog ang mga mata ng bata.

"Favorite rin kasi ng iba ang munchkins at hotcake ni Mama," pagmamalaki ko.

"Ako rin favorite ko ang nag-iisang hotcake at dalawang munchkins ni Mama." Nilingon kami ni Mayor at kumindat sa akin habang binubuhay niya ang sasakyan. "Seatbelt," paalala niya at binawi ang paningin. Basang-basa ko ang aliw sa kanyang mga mata. Parang ibang hotcake at munchkins ang tinutukoy niya.

"Mama, your seatbelt!" Tarantang nakipag-unahan sa akin sa pagsusuot ng seatbelt si Vince. Nanghahaba pa ang nguso nito.

"What did you do in Daddy's office?" magiliw kong usisa habang nasa daan na kami.

"I...I fell asleep in the couch after I ate the cherry plums." Kinamot nito ang ilong. Nakagawian nitong gawin iyon lalo na kung nahihiya ito. "And there were ladies there, they asked me what is the name of my Mama and I said my Mama's name is Ace. I show them your ring...here..." kuwento nito at kinapa ang singsing na nasa suot nitong kwintas.

Bahagyang umawang ang aking bibig. Sumulyap ako kay Yanixx at nagtagpo ang mga mata namin sa rearview mirror. Parang nai-imagine ko na ang reaction ng mga taong nakarinig sa sinabi ni Vince.

"Mama, Daddy told me I should give you back the ring. Daddy will buy me a ring soon like Mama's. Do you want the ring back?"

Ano'ng laban ko kung ganitong may resbak si Yanixx at anak pa namin? Alam nitong hindi ko matatanggihan si Vince. Inirapan ko siya at binalingan ang bata. Ngumiti ako nang matamis.

ISLA SEÑORITA : LUHA AT BARYAWhere stories live. Discover now