Chapter 39

606 44 9
                                    

HINDI pa tapos si Sofhie sa assignment at sinamahan ito ni Yanixx. Nauna na kami ni Vince na mag-night bath bago matulog.

"Vince, may nangyari ba sa school?" tanong ko sa bata.

Kanina ko pa napapansin na parang may iniisip ang anak ko. Kadalasan madaldal siya pero kanina pa siya tahimik kahit nang sunduin namin sila ng Ate Sofhie niya sa school.

"Mama, I want a piggy bank too. Sofhie has a piggy bank and she drops coins inside. I want one too."

"May piggy bank si Sofhie? Wow, she's saving money?"

"Yes, and today at the canteen, she asked Ate Angel to let her help with the cleaning in exchange for few coins. She helped cleaning the tables with the rugs."

"What do you mean?" Kumunot ang mga kilay ko. "She asked for work?" Hindi ako makapaniwala.

"Yeah, because she needs more coins for her piggy bank, just like you, Mama. She needs to pay money to someone. I want a piggy bank too and I will save some coins for Sofhie."

Hindi na ako mapalagay. Ano'ng dahilan at nag-iipon ng barya si Sophie? Kanino nito ibabayad ang pera? Hindi naman siguro para kay Monique. Mayaman ang pamilya ng babaeng iyon. May ibang tao pa bang nasa likod ng pagdating ni Sofhie sa buhay namin?

"Upo ka rito." Matapos bihisan ay pinauupo ko si Vince sa sofa sa harap ng tokador at pinaandar ang chargeable ang blow dry. Maingat kong pinatutuyo ang buhok ng bata. "Mauuna ka nang matutulog kay Ate ha? Nag-a-assignment pa siya at magba-bath pa iyon pagkatapos."

"Opo, Mama."

Tulog na si Vince nang lumabas ako ng kuwarto para puntahan ang mag-ama na nasa aming silid. Pero nakasalubong ko sila pasilyo. Pangko ni Yanixx si Sofhie at nakatulog na.

"Hindi na niya natiis ang antok, hinayaan ko na lang na matulog."

"Paano ang home work niya?"

"Dalawang items lang ang hindi pa niya nasagutan, ihahabol na lang namin bukas sa agahan."

"Hindi rin siya nakapag-half bath?"

"Hindi na, pinunasan ko na lang at binihisan ng pajamas niya."

Tumango ako at banayad na pinisil ang maliit nitong palad. Naglinis daw ito kanina ng mga mesa roon sa canteen sa school.

"What's wrong?" tanong ni Yanixx.

Bumuntong-hininga ako. "May sinabi sa akin si Vince. Kanina raw nakiusap si Sofhie roon sa canteen ng school na tutulong sa paglilinis kapalit nang ilang barya."

"What? And why would she do that?"

"May piggy bank si Sofhie at nag-iipon siya ng barya, may pagbabayaran daw sabi ni Vince. I think this is something serious, Yanixx."

Tumango siya at buong pagmamahal na pinagmasdan ang batang babaeng nahihimbing sa kaniyang mga bisig. Sinapit namin ang kuwarto at maingat na inihiga ni Yanixx sa bed si Sofhie. Hinaplos ng awa ang puso ko habang pinagmamasdan ang maamo at inosenteng mukha ng bata. Walag kamuwang-muwang pero inako ang isang responsibilidad na hindi naman dapat.

"Aayusin ko agad ang tungkol sa sinabi mo, don't worry." Inakay na ako ni Yanixx palabas ng silid matapos niyang buksan ang lampshade at patayin ang ilaw.

"She's your daughter and she should be living a happy and comfortable life. Nagi-guilty ako."

"No, it's me who should feel that way. I haven't checked on her mother. Alam kong may posibilidad na nabuntis ko noon si Bella pero pinili kong kalimutan ang pananagutan ko kasabay nang paglimot ko sa nakaraan namin. I am being irresponsible."

ISLA SEÑORITA : LUHA AT BARYAWhere stories live. Discover now