Chapter 9

599 41 10
                                    

Kulay brown sandals na gawang-Carcar ang isinuot ko ka-partner ng itim na jeggings at puting dryfit shirt. Inalis ko ang ilang hibla ng buhok kong naipit sa sling ng bag at inayos ang suot kong headband. Lumabas na ako ng kubo. Nilapitan si Mama na nasa bakuran at nagdidilig ng mga halaman. Nagmano ako sa kanya.

"Ang baon mo?" tanong niya.

"Dala ko po. 'Yong vitamins n'yo huwag kalimutang inumin," paalala ko sa kanya.

Tumango siya at ngumiti. "Mag-iingat ka."

"Opo, Ma."

Natuon ang pansin ko sa money-maker tree namin habang palabas ako ng bakuran namin. Namulaklak na pala iyon. Kulay yellow. Sabi ni Lolo kapag dilaw ang bulaklak papalarin daw kami sa anumang sugal. Pero kung pula mamalasin daw. Kaya siguro nahilig magsugal ang Papa ko. Kumusta na nga kaya iyon? Nitong linggo nakauwi siya pero hindi nakapag-abot ng pera. Umamin naman kay Mama na nauubos sa tong-it.

Kinapa ko ang pitaka ko sa loob ng bag pagsapit ko ng mainroad. Naghanda ako ng baryang pamasahe. Isang buwan lang ang summer job, tapos isang linggo akong hindi pumasok kaya hanggang ngayong linggo na lang ang trabaho ko sa opisina ni Mayor. Labing-limang libo raw ang sahod sabi sa akin ni Ma'am Fretchie, pero kakaltasan siguro iyon dahil sa absences ko. Kung may matirang sampung libo mapapatingnan ko na si Mama sa doctor.

Pinara ko ang parating na traysikel pero biglang humambalang sa tapat ko ang isang sasakyan na hindi ko agad natantong kay Mayor pala. Bumukas ang bintana niyon at dumungaw siya.

"Get in, Ace."

Atubili kong binuksan ang pinto sa front seat habang hinahatid nang tanaw ang dumaang traysikel na bakante sana. Kabadong sumampa ako sa loob ng sasakyan.

"G-good morning po," bati ko kay Mayor Yanixx.

"Morning, Ace." Ngumiti siya at parang hinakot na niya lahat ng kulay ng bahaghari na lalong nagpatingkad sa umaga.

Naisip ko kung hindi ba nakapagtataka para sa iba na makita akong sakay ng service ni Mayor. Baka maglikha iyon ng malisya. Pero siguro walang basehan ang pag-aalala ko dahil wala naman akong napansing pangamba sa mukha niya. Kung malaya niyang ginagawa ito kahit tirik na tirik ang araw, siguro ayos lang.

"Your job at my office will expire within a week?" tanong niyang sinulyapan ako.

"Opo, iyon po ang nasa form na pinirmahan ko mula sa PESO."

"Do you want to continue working? May isang buwan pa bago ang pasukan."

"Pag-iisipan ko po muna."

"You can work at my house, aalagaan mo ako," bahagya siyang nakangiti. "Gusto mo iyon? You will be my personal working student. Bibigyan kita ng scholarship. Sa St. Claire ka ba mag-aaral ng senior high?"

"Kung makapasa po ako sa exam. First choice ko po ang St. Claire."

Dito sa isla, ang St. Claire ang maituturing na science school. Mataas ang standard at lahat ng nakapasok doon ay nagiging maganda ang performance pagdating ng kolehiyo. May alok namang full sholarship para sa mga gaya kong honor student, iyon nga lang pahirapan talaga ang pagpasa sa pasulit.

"I'll get the school director to settle your admission there," deklarasyon niya. "Just in case, but I'm confident you have nailed the exam."

"T-thank you po."

"Alam mo bang good boy ako habang wala ka sa opisina?" biro niya at hindi ko mapigil ang ngumiti.

"Hindi ko naman po sinabing bad boy kayo, Mayor."

"Pero, di ba sinabi ko sa iyo roon sa isla na hindi ako titingin sa iba? I am doing that, I keep my promise. Pumipikit ako tuwing may magandang pumupunta roon."

ISLA SEÑORITA : LUHA AT BARYAWhere stories live. Discover now