Chapter 36

431 34 6
                                    

Hindi maubos-ubos ang sigla ng dalawang bata kahit nagtapos na ang welcome party namin para kay Sophie. Nasa pool area pa rin kami at pinanonood silang naglalaro habang ang mga kasambahay ay abala sa pagliligpit at paglilinis. Musika sa aking pandinig ang masayang tawanan ng magkapatid. Sobra-sobrang gamot kung tutuusin sa buong araw na stress at pagod ang makitang magkasundo ang mga ito na para bang matagal nang magkakilala.

"Mag-inquire tayo sa school ni Vince, baka pwede pang humabol si Sophie," suhestiyon ko kay Yanixx na binigyan ako ng mahigpit na back-hug.

"You're such an amazing mother."

"Ano na naman iyang out of context mong pangbobola?"

"I'm serious. Hindi mo ba napansin na at home sa iyo si Sophie? She is smiling the whole time while you were tending to her and Vince. Hindi ko siya nakitang ganito kay Monique. Noong una siyang dinala sa akin para makilala ko, I've noticed she's scared."

Isinandal ko ang ulo sa dibdib ni Yanixx at pinagsalikop ko ang mga daliri namin. Wala kami sa lugar para husgahan ang paraan ng pag-aalaga ni Monique kay Sophie. Pero hindi ko lubos maisip na sinasaktan ng babaeng iyon ang bata, kahit sabihing parte ng pagdisiplina iyon. Ano'ng pwedeng magawa ng pitong taong gulang na bata? Ang mga kasing-edad ni Sophie ay likas na curious at mahilig mag-explore. Kung nagkamali man ito pwede namang kausapin nang maayos.

"A-absent ako bukas, aayusin ko ang room ng mga bata at ang mga gamit ni Sophie."

"We'll do it together. Binigyan ko na ng instructions ang back-ups ko na kunin nang maaga ang mga gamit ni Sophie sa hotel na tinutuluyan ni Monique."

"Hindi ka mag-o-opisina bukas?"

"I can work from here and ask my staff to send those urgent documents. We will make it a family date at home, what do you think?"

"Pwede." Ngumiti ako. Feeling ko umiiwas siyang mapuntahan ni Monique sa munisipyo. Mabuti naman at gumagawa rin siya ng effort para layuan ang babaeng iyon. "Magluluto ako ng hotcake at munchkins para sa mga bata."

"Sa mga bata lang? Hindi ako kasali?"

"Lagi mo nang kinakain itong munckins ko," biro kong humagikgik.

Humalakhak siya nsng malutong at gumapang paakyat ang kamay, kinapa ang dibdib ko. "Yeah, I love the taste of these munchkins." Pinisil niya ang aking nipples.

Dumaloy ang kiliti sa buo kong katawan at ginising ang nasasabik na himaymay ng mga laman ko. Nilamon na naman ako ng karupukan. Kinagat ko nang mariin ang ibabang labi at hinawakan ang kamay niya hindi para alisin kundi para idiin pa sa aking dibdib.

"Pwedeng humabol ng extra savings mamaya bago tayo matulog?" pilyo niyang bulong.

Nanindig ang mga balahibo ko. Dama ko ang mainit na likidong bumukal sa gitna ng aking pagkababae at sinipsip ng manipis na hibla ng suot kong panloob. Inaamin kong pinagpala talaga si Yanixx kung kalibre ng paghagilap sa kiliti ng katawan ko ang pag-uusapan.

"Pasalamat ka secure ako ngayon. Hindi masasayang ang magiging savings mo mamaya. Pero huwag mo akong puyatin. Marami tayong gagawin bukas."

"Solve na ako sa four hours. Akyat na tayo sa room?" apura niyang halos buhatin na ako.

"Ang mga bata," ungot ko. Papunta sa amin sina Sophie at Vince na naghahabulan.

Pasimple niyang ibinaba ang mga kamay.

"Mama, can we play more upstairs?" tanong ni Vince na yumapos sa kaniya.

"Vince should sleep early because you still have school tomorrow. But you can play with Ate Sophie later in the afternoon after your class, okay? Let's go up now and take a bath so we can go to bed, Ate Sophie too."

ISLA SEÑORITA : LUHA AT BARYATempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang