Chapter 15

585 42 6
                                    

Madaling araw na nang gisingin ako nang paghilab ng aking tiyan. Pero na-touch ako nang magisnan ko rin si Mayor Yanixx na nakabantay sa akin at palagay ko ay hindi natulog. Pati mga gamit namin ng baby na inihanda ko sa handcarry ay nasa ibaba na ng kama at bibitbitin na lang.

"Should we go to the hospital?" tanong niyang hinahaplos ang aking tiyan.

Tumango ako. Kagat ang aking labi. Limang minuto lang ang pagitan ng pabugso-bugsong paghilab. Hindi na ako makapagsalita.

"Joyce?" tinawag niya ang kasambahay.

"Mayor!" Kasama ni Joyce na pumasok doon sa kuwarto ang nurse kong si Jeanna. Kaagad dinampot ng katulong ang bag at ang nurse naman ay sinuri ang pulso ko.

"Lumagpas ng isang araw ang prediction ni Doc, pero kahapon pa po siya naghihintay sa atin doon sa hospital," sabi ni Jeanna na bumaling kay Mayor Yanixx.

"Can you hold it a little while longer?" malumanay niyang tanong sa akin at hinagkan ako sa noo. Maingat niya akong pinangko palabas ng kuwarto.

Pababa pa lang kami sa garahe ay pumutok na ang panubigan ko. Natatakot ako tuwing humahagupit ang sakit. Parang mabibiyak ang balakang ko. Pakiramdam ko kasi hindi ko na kakayanin kung magtatagal pa. Bagamat sinisikap kong tatagan ang loob. Isisilang ko nang ligtas ang anak namin.

Lihim kong pinagpasalamat na lahat ng taong pinagkatiwalaan ko at kasama ko roon sa unit ay tila inasahan na ang panganganak ko ngayon. Pati ang driver ay naroon na sa sasakyan at naghihintay sa amin.

"You'll be alright, I promise," panay ang bulong ni Mayor sa akin habang hindi tumitigil sa kahahaplos sa tiyan ko ang kanyang kamay. Tila ba kaming dalawa ng anak ko ang inaalo niya mula sa sumpong.

Nakaabang na sa amin si Dr. Estrella pagdating namin ng hospital. Nauna na kasi itong in-update ng nurse habang nasa sasakyan kami. Pagkalapag ko sa stretcher ay mas lalo pang tumindi ang contraction at hindi ko na halos madama ang ibabang bahagi ng katawan ko dahil sa sobrang sakit.

"I love you, Ace. I'll be here, I won't leave you." Hinagkan ako ni Mayor sa labi bago isinaklob sa mukha ko ang oxygen mask. Ngunit ang suportang nanggaling doon para bigyan ako ng karagdagang hangin ay hindi pa rin sapat upang bawiin ako mula sa lubusang pagkalimot sa aking paligid.

Huli kong natandaan ay nakapasok pa ako ng labor room. Kasama ko pa rin si Mayor at mahigpit niyang hawak ang kamay ko. Pagkatapos ay may itinurok sa akin. Hindi ko matukoy kung humupa ba ang sakit o ako ang nawalan na ng kakayahang makaramdam pa.

Nang muli kong idilat ang mga mata ko, nasa loob na ako ng private room. Wala pa rin akong kontrol sa sarili kong lakas na kahit ang igalaw ang ulo ko ay tila kay hirap gawin.

"Finally, baby, Mama is awake!" Natutuwang boses ni Mayor Yanixx.

Gumalaw papunta sa gawi niya ang mga mata ko. May karga siyang sanggol. Ito na ba ang anak namin? Humapdi ang sulok ng mga mata ko dahil sa luha. Pero hindi ko matandaan kung paano ko ito nailuwal? Ano'ng nangyari?

"Mayor," mahina kong sambit.

"Nandito na siya, ang anak natin. Guwapong-guwapo, mana sa Daddy." Tila pilyong bata na nakangisi si Mayor Yanixx at maingat na nilapag sa tabi ko ang baby. Nakikita ko sa mga mata niya ang sobrang kaligayahan.

"Hindi ko matandaan kung..." kumirot ang nanunuyo kong lalamunan at hindi ko na maituloy ang pagsasalita. Kailangan ko ng tubig.

"You had him through Cesarian Section, Ace."

"Cesarian?"

"Biglang tumaas ang blood pressure mo at nangamba ang doctor na mapahamak ka at ang anak natin kung pipilitin kang isilang ang sanggol through normal delivery." Umuklo si Mayor at hinagkan ako sa noo. "Thank you, you did a great job, Mama Ace."

ISLA SEÑORITA : LUHA AT BARYAWhere stories live. Discover now