Chapter 40

1.1K 54 9
                                    

HALOS bayolente ang naging reaksiyon ni Yanixx matapos kong i-kwento sa kaniya ang nalaman ko mula sa usapan namin ni Engr. Irlan. Nagulat ako na hindi rin pala niya alam na patay na si Bella.

"Imagine, until now naniniwala si Sofhie na buhay pa ang mama niya dahil sa kagagawan ni Monique. Ang bruhang iyon, gusto kong kalmutin ang mukha niya," nakukunsumi kong pahayag.

"Alam kong nagkasakit si Bella. But I thought she managed to recover from that illness."

"Hindi ka man lang ba nag-effort na kumustahin siya noong nalaman mo? May anak pa kayo tapos hindi mo rin alam," hindi ko na mapigil na kastigo kay Mayor.

"I'm too occupied of loving you and making you mine at that time."

"Huwag mo nga akong gawing excuse, parang kasalanan ko pa na napabayaan mo ang mag-ina." Inirapan ko siya.

"Hindi iyon ang point ko. Punong-puno ang utak ko tungkol sa iyo at wala na akong ibang maisip."
Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa balakang. Bumaba pa ang kamay niya sa aking pang-upo at pumisil-pisil.

Nasa kusina kami at nagluluto ako ng kamote pudding para early evening snacks ng mga bata na gumagawa ng homework nila at exercises sa worktext.

"Tigilan mo nga iyan! Dini-distract mo ako, eh," saway ko sa kaniya. Pero ayaw niyang paawat at hinalikan na ako sa balikat.

"I don't know if she purposely hide the truth about Sofhie or wala lang siyang pagkakataon na sabihin sa akin lalo na kung may sakit na siya."

"I'm sure, wala lang siyang pagkakataon. Baka pinigilan din siya ni Monique, knowing her. Buhay pa siguro si Bella ay gumagawa na ng plano ang babaeng iyon kung paano ka makukuha lalo na at hindi nagtagumpay ang ginawang panggigipit ng ama niya noon sa iyo," mabilis kong komento.

Alam kong masama ang mag-conclude agad pero sa klase ng ugali ni Monique, halatang hindi ito gagawa ng maganda nang walang kapalit. Ni hindi maituturing na tulong ang pagkupkop nito kay Sofhie dahil ginagamit naman nito ang bata para sa atensiyon ni Yanixx.

Tinikman ko ang kamote pudding kung tama na ang condense milk na nilagay ko pero naiwan sa aking bibig ang kutsara. Ang kamay ni Yanixx, nasa dibdib ko na naman. Sinipat ko siya nang masamang tingin.

"Pwede ba, iyang libog mo lagyan mo naman ng preno! Baka makita tayo ng mga kasambahay," sita ko sa kaniya.

Pero ngumisi lang siya at pinisil pa lalo ang nipple ko. Kinuryente ako nang kiliti. Siniko ko siya.

"Seryoso ang pinag-uusapan natin tapos ikaw nangmamanyak diyan?"

"Pinakakalma ko lang ang sarili ko," baluktot niyang katuwiran.

"Talaga? Kakalma ka tapos ito nagagalit?" Dinakma ko ang umbok sa pundilyo niya. Kasing-tigas na iyon ng bato. "Kapag galit iyan, ako ang kawawa. Ginabi-gabi mo na ako, ah! May pa-snacks ka pa sa shower. Hindi na nasunod ang kasunduan natin."

"Hayaan mo na ako." Hinawakan niya  ang kamay ko at idiniin sa aking palad ang matigas niyang kargada. "May presidente tayo, bise-presidente pero kailangan may senator, congressman, governor, board member, mayor, vice-mayor at konsehal. Para kompleto ang gobyerno, di ba?"

Buti na lang talaga tapos na ang kamote pudding na ginawa ko, pag nagkataon, ready-made na snacks na naman ang kakainin ng mga bata dahil sa kapilyuhan ng tatay nila.

"This is how you color a tree. You should put a shade of green on this part."

Nadatnan kong tinulungan ni Sofhie si Vince na kulayan ang drawing na punong kahoy. My heart melted watching them. Pinagmasdan ko si Sofhie habang nilalapag ko sa snack table ang miryenda. Maayos na ang buhay niya rito, dahan-dahan naming ipapaalam sa kaniya ang tungkol sa mama niya at gagawin ko ang makakaya ko para hindi na muling makalapit si Monique sa bata.

ISLA SEÑORITA : LUHA AT BARYAWhere stories live. Discover now