Chapter 17

525 48 7
                                    

"Congratulations, Anak!" Isinuot ni Mama sa akin ang medalya ko at hinalikan ako sa pisngi. Nakita ko pa ang pagpatak ng luha niya.

Graduation ko ngayon sa senior high school. Sa awa ng Diyos naitawid ko ang aking pag-aaral kahit sinalanta kami nang iba't ibang pagsubok. Kung dati gipit kami sa pinansiyal na pangangailangan, ngayon ay may pera nga sa bangko na nakapangalan sa akin, bigay ni Mayor Yanixx, pero pagsasama naman namin ang winasak.

Winasak ko.

"Salamat, Ma." Pigil ko ang mga luhang gumanti nang halik sa kaniya. Pagkatapos ay nakipagkamay kami sa mga bisitang nasa entablado bago bumaba.

Sumalubong naman sa amin si Papa bitbit ang munting regalo niya para sa akin. Nakabalot iyon sa asul na fancy wrapper. Silang dalawa lang ni Mama ang nandoon para samahan ako. Hindi nakarating si Lolo dahil may trangkaso. Ayaw pa rin kasing tumigil sa pagsasaka. Sinabi ko nang ipagkatiwala na lang nito kay Papa ang lupa namin pero matigas talaga ang ulo ng matandang iyon.

"Binabati kita, 'nak." Niyakap ako ni Papa at hinalikan sa noo.

"Thank you, Pa." Doon ko na lang pinakawalan ang mga luha ko.
Masaya ang buong batch namin. Kitang-kita sa mukha ng bawat isang nagtatapos. Pero ako? Hindi ko madama ang ligayang hatid ng araw na iyon.

Hanggang ngayon ay matindi ang balik sa akin ng konsensya ko. Ang kabayaran nang tagumpay ko ay ang pagkakukulong ni Mayor Yanixx. Naging considerate naman ang hukuman at pinagbigyan ang Romeo-Juliet rule sa kabila ng labing-isang taon na agwat ng edad namin. Dalawa hanggang limang taon ang sintensiya ni Mayor. Pwede pang bumaba depende sa kaniyang magiging karakter sa loob ng priso.

Nag-resign din siya sa pagka-Mayor kahit nag-protista ang taga-Fuego Amore na huwag siyang tanggalin sa puwesto. Pero tulad ng iba, para sa akin mananatili siyang Mayor at hindi mabubura ang titulong iyon sa pagkatao niya.

Pagkatapos ng programa ay umuwi na kaagad kami sa condo. Kahapon pa ay nagpaalam na ako sa adviser kong hindi dadalo sa graduation ball na gaganapin sa isang mamahaling hotel.

"Ma, nasa inyo po ang ticket natin?" tanong ko kay Mama pagpasok namin ng sala.

Naka-impake na lahat ng gamit namin pauwing isla. Tapos na rin akong mag-inventory rito sa condo para walang magiging problema sa maiiwan na caretaker.

"Nasa bag ko lang iyon, 'Nak," sagot ni Mama.

Bukas ng umaga ang flight namin kasi may interview ako sa Cebu Technological University IS campus, ang nag-iisang state university roon sa isla. Nag-apply ako roon sa online bago ang graduation at nakakuha ng slot sa priority list nila dahil sa matataas kong marka.

"Sige, Ma. Magpahinga ka muna. Baka pagod na iyang mga binti mo." Tumuloy ako sa kusina at sinilip si Papa na inihain sa hapag ang binili naming mga pagkain.

"Hihiga lang ako saglit. Medyo nanlambot nga ang mga tuhod ko," paalam ni Mama.

Bumalik ako sa sala at binuksan ang regalo ni Papa sa akin. Nagustuhan ko agad ang box na bumungad sa akin. Gawa iyon sa native material mula sa isla. Manipis na bamboo strips at hinahabi. May pagawaan niyon sa Sol Viento at ini-export.

Binuksan ko ang kahon at umawang ang bibig sa white coral bangle bracelet na nakahimlay sa ivory velvet canvass. Nakaukit doon ang pangalan ko. Kahit simple ang disenyo pero elegante. Agad kong isinuot iyon at pinuntahan si Papa.

"Pa, thank you po ulit sa gift. Ang ganda!" natutuwa kong bulalas at inangat ang aking palapulsuhan.

Ngumiti lang si Papa at tumango. Matagal niya akong tinitigan na parang may gusto siyang sabihin pero nagbago ang isip.

ISLA SEÑORITA : LUHA AT BARYAWhere stories live. Discover now