Chapter 22

597 54 8
                                    

MINSAN ko na ring naitanong sa Diyos ang mga hinanakit na alam kong hindi ko dapat isumbat. Kung bakit kailangang hindi pantay ang antas ng buhay ng mga tao. Kung ang kahirapan na dinanas ng pamilya ko ay kabayaran ng pagkakasala ng aking mga ninuno. O, kung may mga nagawa akong pagkakamali na hindi ko naihingi ng tawad dahil hindi ko napansin na mali na pala.

"You are not listening to me, Mama!" nagmamaktol na angal ni Vince at hinaplos ang mga pisngi ko para kunin ang aking atensiyon.

"Oh, I'm sorry, baby. Mama is thinking about school." Sinapo ko sa dalawang palad ang guwapong mukha ng anak kong nakatingala sa akin at hinagkan ko siya sa ilong.

Hindi ko nakumbinsi ang bata na aalis muna ako para pumasok sa eskwela. Ayaw na ako nitong bitawan doon pa lang sa sasakyan kaya ang ending ay heto at naisama ako pauwi rito sa bahay ni Mayor.

"Inday, magmiryenda ka muna." Pumasok si Manang Romie, bitbit ang tray. Cassava cake at cheery plums ang tumambad sa akin na nilapag ng kasambahay sa mesita.

"Mama, do you eat cherry plums?" Kumuha ng isa si Vince at isinubo sa akin.

"Ang sarap!" bulalas kong nakangiti.

Tumawa ang bata at kinain din ang kinagatan ko. Nakangiting nanonood sa amin si Manang Romie. Hindi awkward para sa akin ang atmosphere rito. Alam ni Manang Romie ang estado namin ni Mayor at ang mga kasama niyang maids ay iyong mga dating katulong din namin sa condo bukod kay Joyce.

"Hindi ko alam kung ano ang kasunduan ninyo ni Mayor, pero sa ngayon isantabi mo muna iyon, Ace. Hindi lang tatlong beses na narinig kong tinatanong ng anak mo kung bakit hindi ka rito nakatira kasama nila." Pangko ko sa aking kandungan si Vince nang kausapin ako ni Manang Romie matapos nitong ligpitin ang tray. "Kung nag-aalala ka sa pamilya mo, pwede mo naman silang isama rito."

"Nakakahiya po, Manang."

"Kung nandito ka maaalagaan mong mabuti si Vince. Kami na at si Mayor ang bahalang magpaliwanag kung may mga taong magtatanong."

Hindi ako kumibo. Hindi pa rin talaga ako makapagpasya.

Sinamahan ako ni Manang Romie at dinala namin sa kuwarto si Vince. Maayos kong ihiniga sa kama ang bata. Pagbaba kong muli sa sala ay siya ring pagdating ni Mayor Yanixx. Sumaglit siya sa munisipyo dahil may importanteng mga bisita ang Agriculture galing ng Region. May ilulunsad yatang proyekto rito sa lungsod.

Nag-abang ako sa kaniya sa maindoor para magpaalam na umuwi muna sa amin. Nag-alala ako kay Mama. May sinat din kasi iyon. Baka lumala at sumumpong na naman ang mga binti nito.

Pero napako ako sa sahig at tigagal na napamulagat kay Mayor na pumapanhik ng bahay. Kasunod niya sina Lolo at Papa na karga si Mama. Nakabuntot sa kanila ang driver at dalawang back-up, bitbit ang mga maleta.

"Ma? Mayor, ano po ang-"

Pero didma si Mayor at nilagpasan ako. Parang hindi ako nakita. Humabol ako sa kanila. Si Mama ay nakasilip sa akin. Nasa anyo ang kawalan nang magawa dala na rin ng kasalukuyan nitong kondisyon. Sumumpong nga yata ang sakit niya habang wala ako.

"Papa?"

Pero kahit si Papa ay hindi nagsalita at umiling lang. Si Lolo naman ay umiiwas nang tingin sa akin.

Ano bang ginagawa nila rito? Gigil kong kinuyom ang mga kamao.

"This will be your room and a private nurse will be assigned for you. Tomorrow, I will talk to a friend from the hospital in the mainland. Hihingi tayo ng opinion para sa therapy," paliwanag ni Mayor matapos ilapag ni Papa sa kama si Mama sa loob ng guest room.

Inayos ng dalawang back-up ang mga dalang gamit. Pati ang lumang banga ay dinala nila. Sinabi siguro ni Mama sa mga ito kung ano'ng laman niyon at kung para saan.

ISLA SEÑORITA : LUHA AT BARYAWhere stories live. Discover now