Chapter 14

535 42 2
                                    

"What is your opinion about this, Ace? Should we sacrifice our economy for a healthy environment?" tanong ng guro namin sa Earth and Life Science. Nasa section 1 ako ng TVL strand. Fifteen lang kami sa buong klase. 

"No, Ma'am. We can still elevate economy while protecting our environment. We cannot make our struggle living in a survival mode as an excuse now when the relevance of our environment has taken a back seat."

"Very good. These two areas can work together in a healthy process."

Naupo akong muli sa aking silya at hinaplos ang aking tiyan. Natutukso akong silipin ang cellphone na nag-vibrate. Siguradong si Yanixx iyon. Kanina pa siya tumatawag. Pagtunog ng bell ay hinablot ko agad ang cellphone at binuksan. Almost 20 missed calls at galing nga sa asawa ko. Taranta akong nag-return call pero siya naman ang hindi sumagot.

Nilikom ko ang aking mga gamit, ang libro at bag at maingat na naglakad palabas ng classroom.

Araw-araw tumatawag sa akin si Mayor. Nag-vi-video call kami bago ako matulog sa gabi. Sa umaga naman ay tawag niya ang gumigising sa akin. Updated ako sa lahat nang ginagawa niya sa loob at labas ng Fuego Amore. Sinasabi rin niya kung sinu-sino ang mga naging bisita niya sa opisina at nagkukuwento siya sa mga plano niya para sa lungsod.

Tuwing Biyernes ng hapon sabik akong sinusundo siya sa airport at namamasyal kami bago tumuloy sa condo. Kung anu-ano na lang ang pasalubong niya sa akin. Mga cravings ko at stuff toys. Napuno na ang glass cabinet doon sa kuwarto namin sa mga binili niya.

Muntik na akong tumili paglabas ko nang elevator nang may sumaklot sa akin at binuhat ako, kasabay ang pagpatak ng halik sa nakaawang kong labi.

"Mayor?" Nanlaki ang mga mata ko nang matitigan ang mukhang nakatunghay sa akin at nakakubli sa lilim ng bull cap.

"Hi there, baby." Ngumisi siya.

"Ibaba mo ako, kaya ko namang maglakad." Na-conscious ako dahil pinagtitinginan na kami ng mga estudyante.

"Let them know I'm your husband," aniyang nagmamalaki.

"Matagal na nilang alam." Magiliw akong umirap.

Unang linggo ko pa lang sa school ay alam na ng mga estudyante at guro rito na may asawa na ako. Pero hindi nila alam na mayor siya. Marami pang kinilig sa kaniya kasi para akong kinder na sinasamahan niya roon at binabantayan.

"Teka, Wednesday pa ngayon, ah!" Hinaplos ko ang gumagalaw niyang mga panga.

"Dumalo ako kanina sa Mayor's League Conference sa Quezon. Two days iyon, tamang-tama, di ba?"

Ngumiti ako nang matamis at tumango. Nag-ikot muna kami sa mga parke malapit sa school namin. Kailangan ko rin kasi maglakad-lakad. Yumapos ako sa baywang niya.

"Ang guwapo mo talaga," ungot kong nakatingala sa kaniya.

"Nadadaan sa ensayo 'to." Humalakhak siya.

"Ngayon lang 'tong buntis ako, pinaglilihian kasi kita." Bumungisngis ako at tumingkayad. Kinagat ko ang baba niyang may papausbong nang balbas. Halik sa labi ang iginanti niya.

Sa labas na kami naghapunan. Nagpa-reserve siya sa isang exclusive restaurant. Nakahain na ang mga pagkain nang dumating kami. Ito ang isa sa mga inaasam ko kapag magkasama kami. Parang araw-araw kaming nagdi-date.

Nagtatalo rin naman kami minsan. Pero hindi umabot sa tampuhan na hindi na kami nagkikibuan. Pagkatapos nang away namin, sinusuyo niya agad ako at pinatatawa. Hindi siya nagkulang sa pagtuturo sa mga bagay na kailangan kong matutunan.

Akala ko ang sorpresa niya sa akin ay hanggang doon lang sa pagsundo sa school. Mas nagulat ako pag-uwi namin ng condo dahil sa mga bisitang naghihintay. Ang mga magulang niya at si Nicolo.

ISLA SEÑORITA : LUHA AT BARYAWhere stories live. Discover now