Chapter 12

618 43 4
                                    

Habang pinagmamasdan ko ang dagat, umalon pabalik sa utak ko ang lahat nang nangyari sa akin mula nang magkaroon kami nang patagong ugnayan ni Mayor. Sa bawat pagkakataong inaangkin niya ako, lagi akong may kalayaang tumanggi pero hindi ko ginawa dahil gusto ko si Mayor.

"Ace," pukaw ni Engineer.

"Ha?"

Natilihan ako nang punasan niya sa daliri ang aking pisngi.

"You're crying," mahina niyang sabi.

"Hindi ako sigurado kung pati itong nararamdaman ko ay mali na rin. Kung mali rin ba na magustuhan ko si Mayor." Inihawak ko ang kanang kamay sa kaliwa kong braso.

"Sinabi ko na sa iyo, wala kang ginawang mali. You're a minor, Ace. Bata ka lang kung tutuusin, inosente ka. Si Yanixx ang mas nakaaalam at pinili niyang gawin ang mali. Hindi ko sasabihing wala siya sa katinuan, pero hindi niya kinontrol ang kaniyang sarili. Kahit sabihin niyang mahal ka niya, dapat inisip niya ang kinabukasan mo."

Pinukol ko sa malayo ang luhaang paningin. "Magpapakasal ako sa iyo pero gusto kong umalis dito. Ayaw ko na munang makita si Mayor. Kapag nasa paligid kasi siya ang gusto ko lang gawin ay lumapit sa kaniya."

"Aasikasuhin ko ang passport mo. Pagkatapos ng kasal pupunta tayo ng America. Doon muna tayo hanggang sa makapanganak ka." 

Tumango ako. "Sige po, sasama ako sa iyo kahit saan."

Kinabig niya ako at isinandal sa kaniyang dibdib. Hinayaan niya akong ilabas ang emosyon ko hanggang sa lubos akong kumalma.

Pasado alas onse na ng umaga kami tumulak patungo sa bahay ng kaibigan ni Engineer sa Barangay San Roque. Mabagal lang ang takbo ng sasakyan namin dahil kumikipot ang daan sa kaliwa't kanang mga nagtitinda ng lobo at sari-saring mga laruan. Ramdam sa mga bandiritas at dami ng mga parokyanong namimista ang sigla ng kapistahan ni San Roque sa buong barrio.

Pumasok sa private road ang sasakyan at humimpil sa isang bakanteng lote. Doon na kami bumaba. Saglit ko pang sinilip ang mukha ko sa compact mirror. Buti na lang hindi ako naglagay ng blush-on. Baka nagmukha na akong nasubsob sa alikabok kung nagkataon dahil sa kaiiyak ko kanina. Matingkad pa rin ang cherry liptint sa labi ko.

"Kahit wala kang make-up, takaw pansin pa rin iyang ganda mo," bulong ni Engineer na nagpanguso sa akin.

"Maitim po ako, paano magiging takaw-pansin ang mukha ko?" Marunong na rin siyang mambola tulad ni Mayor.

"Morena ka. Your skin is equal to the golden sunset. Masarap sa mata."

"Tama na po." Umismid ako. "Kaninong bahay po ito?" tanong ko habang papasok kami sa bakuran.

"Sa city engineer." Hinawakan niya ulit ang kamay ko at hinaplos-haplos pa sa kaniyang daliri. Hinayaan ko na lang siya.

Marami na ang bisita. Malaki at may malawak na bakuran ang bahay pero walang bakud. Tila karugtong lang ng luntiang lambak ang bakuran. May mga puno ng iba't ibang prutas tulad ng langka, caimito, santol, lomboy, mga niyog na bilaka at Indian mango.

Nakaayos sa open garden ang mahabang buffet table na binabantayan ng catering crews. Sa dalawang hiwalay na mesa ay nakadapa ang lechon.

"Engr. Irlan!" Sinalubong kami ng isang lalaking may edad na base sa patak-patak na puting buhok sa ulo nito. May suot na eyeglasses at malusog ang hulma ng katawan nito.

"Sir Juan!" Nag-abot ng palad si Engineer at nagkamay silang dalawa.

Dumako sa akin ang paningin ng lalaki at bahagya itong ngumiti. "Girlfriend mo?" tanong nito.

ISLA SEÑORITA : LUHA AT BARYAKde žijí příběhy. Začni objevovat