Chapter 25

704 54 5
                                    

Tatlong araw na mula nang maganap ang pinag-uusapang stand-off nina Mayor Yanixx at Engineer Irlan sa foodcourt ng university. Dama ko na ang hagupit nang nangyari. Kung noong mga nakaraang buwan ang kumakalat na tsismis tungkol sa akin ay hindi na ako virgin, ngayon naman ay nag-level-up. Bukod sa nilaspag na raw ako, naging kabit pa ng Mayor.

Wala akong balak magsayang ng panahon para patulan at komprontahin ang mga nagkakalat. Iniintindi ko na lang na kailangan nila ng sapat na amount ng tsismis araw-araw para pampalubag-loob ng mga utak nilang nabuburyong dahil sa hirap ng klase. Siguro kung may bayad, baka pwede pa. Gagawin kong raket 'yong mangbuntal at nang may maidagdag ako sa aking ipon. Kung may bayad nga, pero wala at magpapagod lang ako. Sa kanila na lang 'yong kasiyahan.

"Bukas, Ace, ha? Magdala ka. Maraming naghahanap ng munchkins at hotcake," sabi ng babaeng cashier sa foodcourt sabay abot sa akin ng sukli sa binili kong mineral water.

Ngayon lang ako pumalya ng ganito katagal sa pagtitinda. Ilang araw na ring wala akong kinikita.

"Sige po, susubukan kong magdala bukas." Ngumiti ako at tumalikod na.

Agad tumahimik ang mga estudyanteng umokupa sa mesang nasa gawi ng pasilyo. Karamihan sa mga ito ay mas bata sa akin at halatang masyadong aktibo sa mga trending issues sa lipunan.

"Makinis ang balat niya, maitim nga lang."

Dinig ko pa iyon bago ko tawirin ang labasan ng foodcourt. Nasipat ko tuloy ang braso ko. Sobrang itim ko na ba? Dati, naging insecure rin ako sa kulay ko lalo na at marami akong mga kaklaseng meztisa. Pansinin kasi talaga ang mga mapuputi. Muntik na akong matisod sa sarili kong mga paa nang matanaw ko sina Yanixx at Vince na parating kasama ang isa sa mga guwardiya. Kumurap pa ako, baka namalikmata lang ako. Pero totoong-totoo, nandito ang aking mag-ama.

"Mama!" masayang hiyaw ng anak ko na lumundag-lundag pa habang nakakapit sa kanang kamay ni Yanixx. "Your lunch! Your lunch, Mama!"

Natawa na lang ako sa sorpresang iyon at lakad-takbong sinalubong sila. Nagpaalam kaagad ang guwardiya kay Mayor at iniwan kami roon. Umuklo ako. Niyakap ko nang mahigpit si Vince. Hindi ko na inaalala pa kung hahakot kami ng atensiyon doon lalo at patapos na ang morning break. Pabalik na ang mga estudyante sa kani-kanilang classrooms.

"You forgot your lunch. Vince said we should bring it to you!" paliwanag ni Mayor na kahit seryoso ang mukha ay may pagsuyong nanonood sa amin ng bata at pasimpleng sinuyod nang tingin ang paligid.

Tumango ako. May pakiramdam na sinuri niya kung wala roon si Engineer Irlan. O, baka paranoid lang ako masyado dahil sa eskandalong dinulot ng presensya nila roon sa campus.

"Thank you, baby." Hinagkan ko nang matunog sa pisngi ang anak ko.

"How about Daddy? Kiss him too, Mama," apura ng bata. "Vince helped cook the food and also Daddy," pagmamalaki pa nito.

Hindi na ako nagpakipot pa. Bahagya akong tumingkayad at yumuko naman si Mayor. Matunog na halik din ang inilapat ko sa kanyang panga. Muli kong binalingan si Vince na masayang nakatingala sa amin. Humagikgik ako at pinisil ang mapintog nitong mga pisngi. Kung pwede lang tumulad dito sa anak ko. Walang pakialam sa paligid. Hindi alintana ang mga tao, ni hindi man lang ito nagtaka na naging center of attraction na kami roon.

"Hindi na kami magtatagal, marami pa akong kailangang pirmahan sa opisina." Nagpaalam si Yanixx.

"Isasama mo si Vince sa opisina?" tanong ko.

"Nasa bahay ngayon ang therapist ng Mama mo, tiyak mangungulit si Vince roon. We'll drop by after your class." Ibinigay niya sa akin ang paper bag na naglalaman ng tanghalian ko.

ISLA SEÑORITA : LUHA AT BARYAWhere stories live. Discover now